Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Omise owner, huli sa pagpapakasal sa six (6) couple na Pinay at Hapon Oct. 03, 2017 (Tue), 5,925 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Osaka Izumisano City. Ayon sa news na ito, hinuli ng mga pulis ang isang Japanese man, age 59 years old, omise owner sa charge na pagpapakasal sa six couple ng imitation. Lumabas sa investigation ng mga pulis na ang owner na ito ang syang nag-setup upang maikasal ng peke ang six couple.
Ang mga lalaking kanyang ikinasal na peke ay ang mga lalaking customer din ng kanyang omise na meron pagkaka-utang sa kanya at ang iba naman ay staff nya. Ang mga Pinay naman na ikinasal ay kanyang pinag-trabaho sa kanyang dalawangg omise sa Osaka.
Ang limang Pinay age 24 to 34 years old naman na sangkot sa imitation marriage ay hinuli ng mga pulis din simula noong April at ang iba dito ay na-deport na. Ang isa pang Pinay ay nakasuhan naman ayon sa news. Ang mga lalaki na anim na sangkot ay nasa age na 40 to 63 years old ay nahuli rin at nakasuhan ang iba. Napatunayan na ang mga mag-couple na ito ay hindi nagsasama at nakatira ng hiwalay.
Inamin din ng anim na couple na ang lahat ay setup ng omise owner at ayon sa mga Pinay, pumayag sila upang makapag trabaho ng matagal sa Japan. Ayon naman sa mga lalaki, di sila maka-hindi dahil sa utang nila dito.
Ang omise owner ay dinala sa Pinas ang mga lalaki at nagpakasal ang mga ito sa Pinas mismo, then kasama nilang bumalik sa Japan ang mga Pinay. Ginamit din nila ang mga picture na nakuha sa kasal upang mapalabas na totoo ang kasal ng mga ito ayon sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|