malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Pinoy trainee who died from overwork, acknowledged by Ministry of Labor & Welfare

Oct. 16, 2016 (Sun), 8,775 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


This is a follow-up news tungkol sa isang kababayan natin na isang trainee na nakilalang si ジョーイ・トクナン, 27 years old, na namatay from overwork na binalita na rin namin here before.

Ayon sa bagong news na ito, ang kanyang pagkamatay ay sanhi ng overwork at ito ay na-acknowledged na rin ng Japan Ministry of Labor & Welfare last August 2016. Since ang kanyang pagkamatay ay nangyari at his work, ito ay maisasama sa ROUSAI (workmen's accident compensation insurance).

Last year, pinadala ng Ministry of Labor ang procedure at kinakailangang papel sa pag-apply nito sa kanyang naiwang asawa sa Pinas at pinadala ng asawa nito ang Marriage Certificate nila at iba pang document at nag-apply na sila for the insurance. Bilang kabayaran, ang family nya ay nakatanggap ng 300 lapad na lump sum amount, at makakatanggap pa ng 200 lapad yearly bilang bereaved family annuity.

Ang story ng kababayan nating ito ay pumunta sya ng Japan bilang isang trainee noong year 2011. Sya ay nagtrabaho sa isang casting and molding company sa Gifu prefecture. Ang work nya ay nagpuputol sya ng mga steel pipe at naglalagay ng mga chemicals sa mga molds. Then, on April 2014, at age of 27, sya ay natagpuang patay sa loob ng kanilang dorm at ang ikinamatay nito ay heart failure ayon sa news. One month remaining at tapos na ang contract nya at makakauwi na sya.

Tumatanggap sya ng salary in minimum wage lang and almost of that money ay pinapadala nya monthly sa kanyang asawa (28 years) at isang anak na babae (5 years old). He loves talking to his daughter on the phone. The day before na mamatay sya, ang huling word na nasabi nya sa kanyang kasamang trainee ay pupunta sya ng Recycle Shop para bumili ng regalo at pasalubong sa kanyang anak.

Then the accident happened. Ayon sa result ng investigation ng Gifu Labor Standards Inspection Office, lumabas na ang overtime work nito sa isang buwan ay umaabot sa 78 to 122 hours or more pa at malaki ang possibility na ang ikinamatay nito ay dulot ng overwork at dapat isama bilang ROUDOU SAIGAI (ROUSAI).

Nagiging mainit ang news na ito now in Japan dahil this is the first case na ma-acknowledged ng Japanese government na isang ROUSAI ang pagkamatay ng isang trainee na foreigner because of overwork. Maraming Japanese netizens ang nagbibigay ng sympathy sa nangyari at sinasabi nilang dapat abolish ang system dahil hindi na training ang pinapagawa sa kanila at marami sa kanila ang treated like a slave in work place.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.