Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
First Long Term Visa para sa partner under same sex partnership, naaprobahan Mar. 23, 2019 (Sat), 1,254 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito from Mainichi Shimbun, nabigyan ng LONG TERM VISA ang isang Taiwanese na lalaki, nasa forties ang age na isang overstayer, nahuli at meron deportation order na, matapos na mag-apela sila sa court dahil meron syang partner na Japanese na lalaki at sila ay nagsasama na.
Pinawalang bisa ng Japan Ministry of Justice ang deportation order laban sa kanya at sya ay binigyan ng visa. Nagsagawa ng presscon ang kanyang mga lawyer kahapon March 22, at ayon sa news, first case ito na mabigyan ng visa ang isang foreigner dito sa Japan under same sex partnership.
Ang lalaking Taiwanese ay nakapunta ng Japan noong year 1993 upang mag-aral ng Japanese. Then tumira sya that time in Tokyo at dito nya na-meet ang Japanese na lalaki at naging karelasyon nya ito. Natapos ang kanyang pag-aaral at umuwi sya subalit bumalik muli dito sa Japan bilang tourist for 3 months subalit ito ay hindi na umuwi at naging overstayer na. Then year 2016 ng sya ay mahuli at nabigyan ng deportation order.
Ayon sa mga lawyer, kahit na overstayer ka dito, kung meron kang partner at magkaiba kayo ng gender at nagpakasal, malaki ang possibility na mabigyan ng visa. Sa case nila, pareho silang lalaki, subalit sila ay nagsasama na at nagtutulungan sa buhay at dapat ito ay bigyan ng consideration ng court kung kayat nag file sila ng apela noong March 2017 sa Tokyo court.
Natapos ang mga hearing nila last February 2019, then lumabas ang result at hatol ng court at pinawalang bisa nila ang deportation order at sinabihan silang maaaring mabigyan sya ng visa kung mag-apply sila muli. Nag-apply sila muli. then nitong March 15, lumabas ang visa nya at nabigyan ang lalaki ng visa as 定住者 (TEIJUUSYA).
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|