Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Ano ang meaning ng LOCKDOWN & STATE OF EMERGENCY sa Japan? Mar. 30, 2020 (Mon), 1,178 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga kababayan natin dito sa Japan na laging nagsasabi na dapat na isagawa ang LOCKDOWN or STATE EMERGENCY dahil sa dumarami na ang mga infected sa coronavirus, stop saying it kung di nyo naman ALAM ang batas nila at ang meaning, or ano ang mangyayari kapag isinagawa nila ito.
Unang-una, ang LOCKDOWN na isasagawa dito sa Japan kung mangyari man ay hindi tulad ng nakikita nyo sa Pinas na meron kayong makikitang mga pulis and military personnel doing checkpoint, mga barangay personnel na nag-iikot para mag-monitor sa mga violators, etc., that kind of thing ay hindi mangyayari dito sa Japan, dahil wala yan sa batas nila. Iba ang makikita nyo dito sa Japan at malayong-malayo sa Pinas kapag isinagawa nila ang STATE OF EMERGENCY at LOCKDOWN man.
Since meron mga lumalabas now na news na maaaring isagawa ang STATE OF EMERGENCY at LOCKDOWN sa darating na APRIL 6(PREDICTION ONLY: APRIL 3 ang declaration and APRIL 6 ang start) after ng fiscal year now, at kung patuloy ang pagtaas ng mga infected sa coronavirus, ito ang mga maaaring mangyari para sa kaalaman ng mga kababayan natin dito sa Japan.
First, ang Advisory Committee ay titingnan kung na-meet na ang condition sa pag-declare ng STATE OF EMERGENCY. Then they will report it sa Prime Minister ng Japan. Si Prime Minister Abe naman ang syang maglalabas ng STATE OF EMERGENCY at dito nya babanggitin ang period kung kelan mag-umpisa at matatapos ito, at ang area na sakop.
After na ma-declare nya ito, ang head ng area na babanggitin nya ay magkakaroon ng special power para maglabas ng mga order at request sa mga mamamayan. For example, kung Tokyo ang naging area, ang governor ng Tokyo ay magkakaroon lamang ng power to:
(1) Request and order citizen na hwag lumabas ng bahay
(2) Request and order school, welfare facilities, movie theater and other public facilities to stop operation
(3) Request and order event organizers to stop any public events
(4) To enforce use of private land, buildings and other facilities as temporary medical ground
(5) To request, store and distribute medical supplies
(6) To request and order to transport emergency supply to logistic companies
As you can see, yong number (1), (2) & (3) ay isinasagawa na sa ngayon. tulad ng paglabas nila ng request sa mga mamamayan na wag lumabas ng bahay last week.
Kapag nagkaroon ng LOCKDOWN sa Tokyo, ganun din ang gagawin at walang mababago o madadagdag tulad ng pag-dispatch ng mga military personnel. Hindi mangayayari yon sa batas ng Japan. Ang ginagawang pakiusap or request ng governor na wag lumabas ng bahay ay parang isasabatas lamang kapag nagkaroon na ng LOCKDOWN.
Hindi tulad sa ibang bansa na hinuhuli at napapatawan ng penalty ang mga hindi sumusunod, dito sa Japan ay walang magiging batas na ganun dahil ito ay against sa rights ng isang tao. Pwede kayong lumabas during LOCKDOWN kung gustuhin ninyo daw kung ayaw nyong makipag cooperate, at walang manghuhuli sa inyo.
Since kapag nagkaroon ng LOCKDOWN ay magkakaroon ng limitation sa rights ng bawat mamamayan nila, nagiging maingat ang Japan government na isagawa ito.
UULITIN ko po, kahit na meron LOCKDOWN dito sa Japan, halos walang pagbabagong mangyayari. Pwede kayo lumabas ng bahay nyo anytime you want para mamili, public transportation are operational, government office is open, etc. Walang manghuhuli sa inyo at wala kayong magiging violation at penalty na haharapin.
So, kung ganito pala ang LOCKDOWN na isasgawa nila dito sa Japan, siguro itatanong mo sa sarili mo na parang walang meaning din pala. Don't worry dahil ang batas na ito ay isinagawa base sa character ng mga Japanese daw. Sila daw kasi ay sumusunod na kapag ang isang PAKIUSAP(REQUEST) at UTOS(ORDER) ng namumuno sa kanila ay inilabas na naaayon sa naisulat na batas nila.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|