malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Community Support Coupon, nakatanggap ba kayo?

Mar. 17, 2022 (Thu), 648 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Sa nangyayaring pandemic sa ngayon dito sa Japan, maliban sa mga financial assistance na binibigay ang Japan government, meron ding mga financial support na binibigay ang mga local municipality sa kanilang mga nasasakupan at isa na dito ay ang tinatawag nilang 地域応援券 (CHIIKI OUEN KEN) Community Support Coupon tulad ng picture sa baba.

Tulad ng nasabi ko sa mga post ko noon pa, maraming mga local municipality ang nagbibigay nito noon pang mga nagdaang taon, at maging dito sa lugar ko sa Tokyo ay nabigyan din sila. Pinadalhan nila ang bawat resident nila ng limang pirasong coupon na ang actual amount ay 500 YEN, for a total of 2,500 YEN. Lahat kasama ang mga bata ay nakakatanggap din bawat isa.

Ang mga coupon na ito ay pwede ninyong gamitin na pambayad sa pamimili ng pagkain o sa ilang services sa lugar nyo rin lang mismo. Ginagawa ng mga local municipality ito bilang support not only sa mga mamamayan nila kundi pati na rin sa mga business owner sa kanilang nasasakupang lugar lamang.

Ang support na ito ay depende po sa bawat local municipality. Meron mga lugar na mas malaking amount ang binibigay lalo na yong medyo angat na mga local government. Kung nakatanggap kayo ng ganitong coupon, make sure na gamitin nyo agad dahil merong expiration period ang validity nito.

Last, I hope na hindi nyo naitapon dahil baka inakala nyong flyers lamang sya ng dumating sa bahay nyo lalo na kung di kayo nakakaintindi ng Nihongo tulad ng nag-inquire sa akin dito sa Malago kaya naisapan kung mai-post ang tungkol dito ngayon.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.