Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Child delivery preparation benefit, uumpisahan sa January 2023 Oct. 27, 2022 (Thu), 440 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
This is a follow-up news po tungkol sa nababalitang pagbibigay ng bagong benefit ng Japan government para sa mga manganganak bilang support sa kanila na tinatawag nilang 出産準備金 (SYUSSAN JUNBIKIN) Child Delivery Preparation Benefit.
Ayon sa mga naglalabasang news, ito ay uumpisahan daw sa darating na January 2023. Ang amount ay aabot sa 10 lapad. Maaaring hatiin daw ito. Ibibigay ang 50% kapag nag-submit ng Pregnancy Report ang isang buntis, and the other 50% naman ay kapag nag-submit na sya ng Child Birth Report.
Para sa mga buntis na sa ngayon at manganganak after January 2023, maaaring makuha nyo ng buo ang amount sa inyong local municipality. Sa mga manganganak naman within this year, maaaring makakuha pa din daw ng 5 lapad.
Ang amount naman ay maaaring ibigay daw in cash or in coupon, depende na sa magiging policy ng bawat local municipality.
Ang bagong benefit na ito ay makakatulong para sa mga family na magsisilang ng baby habang ito ay nasa 0 to 2 years old. Maglalabas din ng formal na pahayag ang present administration tungkol dito, bukas October 28.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|