Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Imitation marriage na mga Pinay, kinulong sa omise at di pinapasahod Oct. 28, 2022 (Fri), 605 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, hinuli ng Osaka police kahapon October 27, ang tatlong katao na sangkot sa imitation marriage ng mga Pinay at Japanese. Isa dito ay owner ng Philippine Pub Story, age 49 years old, at ang dalawa naman na lalaki ay parehong customer, age 42 and 62 years old.
Lumabas sa investigation ng mga pulis na ang tatlong ito ay magkakasabwat sa paghahanap ng mga Pinay sa Pinas na gustong magtrabaho dito sa Japan, at ng magiging partner nilang Japanese upang makapag apply ng Japanese Spouse Visa. Simula year 2011, mahigit 20 couples na daw ang naikasal nila ng peke.
Binayaran din nila ng 5 lapad monthly ang naging partner ng mga Pinay na hapon. Then ang mga kababayan nating Pinay na nakapunta ng Japan at nakakuha ng Japanese Spouse Visa ay pinagtrabaho nya sa sarili nyang pub at hindi daw ito pinapa-sweldo.
At upang hindi daw makatakas ang mga kababayan nating Pinay, pinatira nila ito sa loob ng same building ng omise nya. Kinabitan din nila ito ng CCTV upang ma-monitor sila at naka-lock sa labas upang hindi sila makalabas ayon sa news.
Pareho namang inaamin ng tatlo ang charge laban sa kanila. Hindi naman nakalagay sa news kung paano nagawang mahuli ang mga ito, at kung ano na ang nangyari sa mga kababayan nating Pinay.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|