Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Refugee application investigation, papabilisin at hihigpitan ng Ministry of Justice Feb. 02, 2017 (Thu), 4,435 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, papabilisin at hihigpitan ng Japan Ministry of Justice ang pag-evaluate sa mga refugee applicants dahil sa dumaraming natatanggap na application nito. Babaguhin nila ang rules now, kung saan ang mga head ng walong main Immigration Office ng Japan ay pwede ng magbigay ng hatol sa mga applicants nito.
Sa ngayon, ang lahat ng refugee application ay ang Ministry of Juctice lamang ang nag-aasikaso kung kayat mabagal lumabas ang result at umaabot ito ng mahigit 10 months. Subalit sa bagong rules now, ang Immigraion Office ay syang magbibigay na ng hatol base sa ginawa nilang investigation sa mga aplikante, at ang karapat dapat lang na matatawag na refugee applicant ang maipapasok sa Ministry of Justice for final approval.
Hindi lamang ito, kung ang reason ng applicant ay dahil sa meron syang tinatakasang tao dahil sa pagkaka-utang, ito ay agad nilang idi-deny dahil hindi ito angkop sa refugee guidelines. Ang mga aplikante rin na nagsasagawa ng re-application na same lang din ang reason ay kanila ding idi-deny ayon sa news na ito. Magiging mahigpit sila sa pag-screen ng mga reason ng applicants at kapag ang reason ay hindi angkop sa refugee ordinance, ay agad nila itong idi-deny at hindi na paabutin pa sa Ministry of Justice ang application.
Magtatayo rin sila ng separate section sa Tokyo at Nagoya Immigration office kung saan almost 90% ng mga applicants ay dito nag-aapply. Last year, umabot na sa sampong libo ang refugee applicants at anim lamang dito ang nabigyan at naaprobahan ng Ministry of Justice ayon sa news.
Marami ngayon ang sinasamantala ang refugee application upang makapag trabaho kung kayat lalo nilang hihigpitan ang screening ayon sa news na ito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|