malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


UPDATE: Coronavirus present status and its impact in Japan

Mar. 22, 2020 (Sun), 773 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Para sa karagdagang kaalaman ng mga kababayan natin dito sa Japan, kung ano-ano ang mga nangyari last week (March 16 to 22) related sa coronavirus, mga bagong batas at guidelines na inilabas ng Japan government, this is the summary.

(1) STATISTICS: First, para sa statistics ng mga infected sa coronavirus here in Japan, umabot na ito sa 1,803 katao as of March 22 (PM). Umabot na sa 1,091 katao ang infected sa land area ng Japan, the rest ay mula sa Diamond Princess cruise ship at charter plane mula sa China. 49 katao na rin ang naitalang namatay, 766 katao naman ang gumaling na at nakalabas ng hospital as of March 19. In general, patuloy pa ring naglalabasan araw-araw ang mga bagong infected sa nasabing virus at walang humpay ito last week.

(2) SCHOOL CLOSURE: Patuloy pa rin sa ngayon ang paghinto sa mga klase sa Elementary hanggang Senior High school in most school here in Japan, subalit maaring mag-resume na din daw ang klase sa ibang prefecture na walang halos lumalabas na infected. Naglabas din ng pahayag ang Ministry of Education na wala silang planong extend ang closure ng mga school at dapat na mag-bukas ang mga ito sa pag-umpisa ng bagong school year next month.

(3) FINANCIAL ASSISTANCE: Nitong nagdaaang linggo maraming mga mambabatas ang naglabas ng kani-kanilang mga panukala kung paano mabibigyan ng tulong ang mga mamamayan dito sa Japan lalo na kung magtagal pa lalo ang coronavirus. Meron mga lumabas na idea na magbigay ng 10 lapad sa bawat mamamayan, ibaba ang consumer tax sa 5% sa loob ng isang taon lamang, at marami pang iba. Meron lamang kahirapan na isabatas ang mga ito dahil kinakailangan ng malaking pondo ayon sa mga news.

(4) MASK SUPPLY: Although ang kakulangan sa toilet paper ay mukhang nabigyan na ng solution, nananatiling kulang ang supply ng mask dito sa Japan, kahit na ipinagbawal na ang resale nito sa mga online market. Maaari daw na manumbalik ang supply nito sa pagtatapos ng kafun season dito sa Japan.

(5) TRAVEL BAN/QUARANTINE: As of today, wala ring nilalabas na advisory ang Japan government para sa mga traveler mula sa Pinas, kaya malaya pa rin tayong makakapasok dito sa Japan kung meron tayong flight na makukuha, at hawak na valid visa.

(6) PUBLIC PLACE/FACILITIES CLOSURE: Unti-unti nang nagbubukas ang ilang mga public places/facilities at theme park dito sa Japan lalo na ngayong week na ito ayon sa mga news. Since sakura season sa ngayon, maraming mga pumupunta sa mga park, lalo na sa susunod na linggo dahil magiging full bloom ito sa ilang area.

In general, parang normal ang lahat kung titingnan nyo ang paligid dito sa Japan. Walang lockdown, no social distancing, mass transportation ay under operation, you can go whereever you want, open ang mga bar, restaurants, shopping malls and other public places, and people are working with just a little limitations.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.