malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


7 Prefectures under State of Emergency, paano napili

Apr. 08, 2020 (Wed), 914 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Tulad ng alam ng karamihan sa atin dito sa Japan, nag-declare na ng State of Emergency kahapon April 7 ang Japan Prime Minister, na magtatagal ng 1 MONTH until MAY 6.

Ang sakop nito ay pitong prefecture lamang, kasama ang Tokyo, Chiba, Saitama, Kanagawa, Osaka, Hyogou at Fukuoka. So, siguro magtatanong po ang ilan sa atin, kung paano at anong dahilan kung bakit napili ang pitong lugar na ito?

First, ang Tokyo ay napili dahil ito ang lugar na meron pinakamataas na infected sa coronavirus. Makikita nyo ito sa data sa ngayon, bilang proof. Now kung titingnan nyo naman sa mapa ng Japan, ang kadikit ng Tokyo ay ang Kanagawa, Chiba, Saitama at Yamanashi. Ang mga tao sa lugar na ito ay kadalasang pumupunta sa Tokyo upang mag-trabaho, at parang iisang area lamang ang ginagalawan nila kung kayat isinama ang Kanagawa, Chiba at Saitama prefecture. Ang Yamanashi ay hindi isinama dahil kunti lamang ang bilang ng infected sa lugar na ito.

Next, sa Osaka naman, meron din itong mataas na bilang ng infected sa coronavirus, at kung titingnan nyo ang map, kadikit nya ang Hyougo na meron ding mataas na bilang ng infected kung kayat sinama ang Hyougo Prefecture.

Then, next ay Fukuoka prefecture, sa head count ng infected sa coronavirus, ay hindi ito mataas compare sa ibang lugar tulad ng Aichi prefecture. Subalit ayon sa data nila, mataas daw ang rate ng untraceable cases sa Fukuoka at maaaring tumaas pa ito kung di mapipigilan agad, na syang naging reason sa pagsama nila sa lugar na ito.

Now, ang issue ay bakit hindi nasama ang Aichi prefecture, na pinagtataka ng maraming Japanese din sa ngayon lalo na ang mga nakatira sa Aichi prefecture. May mga lumalabas na reason sa news now at ito ay ang mga sumusunod. (1) Meron pa daw enough na medical facilities ang Aichi prefecture compare sa mga naisamang lugar. (2) Ang transition ng head count ng infected sa coronavirus ay hindi kataasan araw-araw compare sa ibang lugar. (3) Ang existence ng Toyota company sa Aichi prefecture, na malaki ang maidudulot na minus sa Japan economy kung ito ay isasara. (4) Ang mga lumalabas na trouble ng Aichi governor na maaaring magdulot pa ng panibagong problem kung bibigyan sya ng special power under State of Emergency.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.