Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Japanese mother, huli sa pag-maltrato sa 6 months old baby girl Jan. 11, 2017 (Wed), 3,079 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Osaka City Suminoe-Ku. Ayon sa news na ito, isang Japanese mother, age 25 years old ang hinuli ng mga pulis kahapon January 10 matapos na mapatunayang minaltrato nito ang kanyang sariling anak na babae na 6 months old pa lamang ng mangyari ang incident.
Nangyari ang incident na ito noong April 12, 2016 sa loob ng kanilang bahay. Ang bata ay nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo na dulot ng pananakit ng nanay na naging dahilan ng pagka-paralyze ng kanang bahagi ng katawan nito at walang expectation now na gagaling pa ito ayon sa mga doctor.
Tumawag ang nanay sa 119 at that time ng makita nyang iba na ang kulay ng mukha ng bata. Sinabi nyang nahulog sa baby bed ito at tumama ang ulo. Subalit lumabas sa medical check na ang bata ay nagtamo ng maraming fracture sa ulo at malaki ang possibility na dulot ito ng pananakit ng nanay kung kayat hinuli nila ito kahapon.
Meron ding report ang child care center na nag-consult ang nanay sa kanila ng isilang nya ito noong September 2015 na ayaw nya sa bata at hindi sya dito nagagandahan kung kayat kinuha nila ang bata hanggang end of March 2016. Then noong April 2016, binalik nila ang bata sa nanay at nangyari ang incident.
Kasamang naninirahan ng mother ang kanyang asawa at isa pang anak na lalaki, 2 years old subalit nasa labas ang kanyang asawa ng mangyari ang incident. Nanatiling nananahimik ang nanay at hindi sinasabi ang katotohanan ayon sa news na ito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|