Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
2 patay sa tusok ng killer bee Sep. 25, 2015 (Fri), 2,198 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Hokkaido Obihiro City. Ayon sa news na ito from Asahi, 2 ang namatay sa Hokkaidou na dulot ng tusok ng killer bee. Bandang 05:25PM noong September 23, isang farmer sa Otofuke Town ang namatay ng ito ay matusok ng killer bee sa kanyang taniman habang sya ay nagta-trabaho.
Isa rin matandang lalaki na nasa sixties ang umakyat ng bundo para manguha ng mga gulay subalit ito ay hindi nakabalik at ng hinanap ng mga pulis, sya natagpuang patay. Meron syang mga tusok ng killer bee sa kanyang likuran ng matagpuan ang kanyang bangkay.
Pinag-iingat ng mga pulis ang mga mamamayan sa dumaraming cases na tulad nito dahil ang killer bee ay dumarami sa pag-start ng autumn season. Karamihan ng mga killer bee during this season ay mga nanay na meron maliliit na batang bubuyog na pinapalaki. Madalas silang umatake kapag meron silang nakita or naramdamang panganib na maaring idulot sa kanilang mga anak na bubuyog kaya wag na wag ninyo silang bugawin o hampasin. Lumayo agad sa lugar as possible.
Iwasan din daw ang maglakad sa mga lugar na madalang na daanan ng mga tao dahil meron possibility na meron silang bahay na nakatago at hindi ninyo nakikita. Kapag lumapit kayo dito, maaring atakihin na lang kayo ng sabay sabay.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|