Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
How to apply for Tourist/Family Visit Visa Extension in Japan? Mar. 19, 2020 (Thu), 1,407 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga kababayan natin here in Japan na nandito sa ngayon bilang tourist or family/friends visitor, kung di kayo makauwi dahil sa cancel ang inyong flight at aabutan po kayo ng expiration ng inyong visa, please go immediately sa malapit na immigration branch sa inyong lugar now, to apply for possible extension.
Remember na kapag wala kayong ginawa, at inabutan na kayo ng expiration ng inyong visa, magiging overstayer na kayo and it will be a bad record po sa part ninyo. So, GO TO NEAREST IMMIGRATION OFFICE TO REPORT.
Kung meron kayong maipapakitang proof na talagang wala kayong choice para makauwi, maaaring mabigyan po kayo ng extension ng inyong visa. So jut go there to apply.
Kakailanganin nyo rin magpasa ang mga documents, at ito ay ang mga sumuduno:
(1) Short Term visa extension application form
You can download and print the application form here (http://www.moj.go.jp/content/001290197.pdf).
(2) Picture (Size 40mm x 30mm)
You can take your picture from any instant photo vending machine. Latest picture, no background color, walang suot na sombrero.
(3) Passport
(4) Explanation Letter
Write your reason kung bakit need nyo mag-apply ng extension, then attached nyo dito yong proof ninyo. Kung cancel ang inyong flight, copy ng inyong ticket at ang possible rebooking nito.
(5) Proof of financial capability
Document na nagpapatunay na meron kayong sapat na pera to support your stay or extension here in Japan tulad ng bank account
(6) Guarantee Letter
Sa mga family visit applicants, maaring kailanganing ipasa nyo ito na manggagaling mismo sa guarantor ninyo.
Ang ibang documents na maaaring maipakita nyo ay ang copy ng receipt ng hotel kung saan kayo nag-stay, mga resibo ng pagpapadala nyo ng mga baggage nyo sa airport, travel insurance, at iba pa.
Pagpunta nyo sa immigration office, just tell them to apply for TOURIST VISA. Mostly meron silang mga staff na marunong mag English so, kahit na di kayo marunong mag Japanese ay wala pong magiging problem. Pumunta lamang kayo sa information desk upang magpaturo kung meron kayong mga tanong doon.
Now, deny or approved ang result will be base sa magiging reason ninyo at decision ng Immigration Office. So mahalagang maging legit ang mga documents na ipapasa nyo bilang patunay na need nyo talagang mag extend ng visa.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|