Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Pinoy, huli sa pagpatay sa university student na babae Sep. 02, 2017 (Sat), 9,484 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, hinuli ng mga Ibaraki police ang isa nating kababayang Pinoy na nakilalang si ランパノ・ジェリコ・モリ, 35 years old nakatira sa Gifu Mizuho City sa charge na pananakit at pagpatay sa isang university student na Japanese girl.
Ang incident na ito ay nangyari 13 years ago pa noong January 2004. Ang biktimang babae na isang university second year student, 21 years old at that time ay natagpuang patay sa isang ilog sa Ibaraki Miho Town na meron mga pasa at bakas ng pagsakal nito sa leeg.
Lumabas sa investigation ng mga pulis na ang nahuling Pinoy ay nakatira at nagtatrabaho bilang factory worker at the time na mangyari ang incident. Hindi nila alam kung magkakilala at kung ano ang relation ng biktima at salarin, subalit base sa mga lumabas na data at evidence ng kanilang investigation, ito ay naging sapat na dahilan upang hulihin nila ang lalaki. Lumabas din na ang DNA na nakuha sa crime scene ay pareho sa DNA ng suspect.
Kumuha rin ng warrant arrest ang mga pulis sa dalawa pang pinoy na sangkot sa crime na ito na 18 and 19 years old at that time. Ang dalawang ito ay nakalabas na ng Japan noong year 2007 kung kayat hihingi sila ng tulong sa INTERPOL sa paghuli sa mga ito.
Upang makakuha ng sapat na information at data ang mga pulis tungkol sa crime na ito, naglabas sila before ng 200 lapad na reward sa sinomang makakapagbigay ng lead information sa crime na itoayon sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|