Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Law student, hinuli sa pagputol ng ari ng kanyang wife lover Aug. 15, 2015 (Sat), 4,334 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tokyo Minato Ward. Isang dating pro boxer at isang law student na ngayon, 24 years old, Japanese male ang hinuli ng mga pulis noong August 13 sa pagputol ng ari ng hinihinalang lover ng kanyang asawa.
Ayon sa investigation ng mga pulis, nangyari ang incident ganap ng 07:40AM ng araw din na nabanggit sa isang attorney office sa Toranomon Minato Tokyo. Sinuntok nya ng ilang beses sa mukha ang biktima na lawyer din, 42 years old, hinubad ang pantalon na suot nito at pinutol ang ari gamit ang dala nyang gunting na gamit pamputol ng mga sanga ng kahoy.
Hindi lamang ito ang kanyang ginawa, pagkatapos nyang putulin ito, pinulot nya ang putol na ari, lumabas sya ng office at pumunta ng public toilet at doon nya itinapon sa inodoro at saka nya pinindot ang flush ng toilet. Ang biktima ay ligtas naman sa kamatayan ayon sa mga pulis.
Inaamin din ng lalaking ito ang kanyang ginawa at ang dahilan ay pagtataksil ng kanyang asawang nasa twenties pa lamang kung saan ang partner ay ang pinutulan nya ng ari. Magkakaharap silang tatlo ng magkita sa lattorney office at nagkaroon ng mainita na usapan at dito na uwi sa incident na ito.
Ayon sa mga medical expert, ang ari ay maaaring maibalik o maidugtong kapag naputol ito subalit kung wala ang kaputol dahil ito ay itinapon sa toilet mahihirapan mag-transplant operation.
Ang suspect at asawa nito ay nakatira sa Nakano area. Mabait na tao ang lalaki at seryoso sa pag-aaral nya ng law. Subalit recently, madalas marinig ng mga kapitbahay nito ang kanilang pagtatalo ayon sa report ng mga pulis.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|