Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Warning: Iwasang magdala ng mga processed meat at iba pang foods sa Japan Sep. 11, 2023 (Mon), 590 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga kababayan nating papasok ng Japan, be aware po na matagal ng pinagbabawal dito sa Japan ang magpasok ng anomang mga karne or processed meat tulad ng hotdog, tosino, longganisa at iba pang mga karne at fruits kasama na din ang mga delata.
Gusto ko lang din po share ang nakita ko last month ng umuwi ako at pumasok muli dito sa Japan. Isa sa nakasabay kung lalaki ay nahulihan na nagdala ng mga karneng ito at sya ay dinala sa isang room sa airport ng mga staff.
Pagkakuha nya ng bagahe sa conveyor, kampante na syang palabas ng gate subalit lumapit sa kanya ang aso na bihasa sa pag-screen ng mga bagahe at ito ay huminto at umupo sa tabi nya matapos amoyin ang mga dala nya, na senyales na meron pinagbabawal na bagay sa loob nito.
Kinausap sya ng staff at pinabuksan ang kanyang bagahe at dito nakita ang ibat ibang karne at fruits na dala nya na pinagbabawal na ipasok dito sa Japan. Nakiusap sya subalit wala na syang magagawa at di pinagbigyan dahil nga pinagbabawal ito.
May naririnig ako dito na once na mahulihan kayo, magkakaroon kayo ng bad record, at pag inulit nyo pa ito, meron daw pong penalty na pinapataw. So, bilang paalala lamang, mas better na wag na kayo magdala ng anomang pinagbabawal nilang ipasok dito sa Japan.
May mga ilan sa kababayan natin na nagsasabing ok lang dahil minsan ay nakakalusot din ito sa mga check-in baggage dahil di naman din thorough yong screening nila sa airport. Do it at your own risk nga po. So kung ako ang tatanungin nyo, follow the rules na lamang po.
Para sa complete list ng mga items and foods na pinagbabawal ipasok dito sa Japan, visit the official website ng Japan Custom po.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|