malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Travel from Phil->Japan & Japan->Phil with regards to Enhanced Community Quarantine in LUZON

Mar. 17, 2020 (Tue), 1,637 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Sa mga nagtatanong tungkol sa bagong inilabas na order ng ating President about sa "Enhanced Community Quarantine", ito po ang aming pagkaka-intindi dito at isusulat namin sa Tagalog upang maintindihan ng mga followers namin here in MALAGO. Kung meron mang pagkakamali, LET US KNOW, we are open for corrections po.

First, ang original source ay makikita nyo sa Philippine Embassy Tokyo official website. Mababasa nyo po ng buo at maiinindihan nyo ng mabuti kung bihasa kayo sa English. Ito po ang link (http://tokyo.philembassy.net/docs/signed-luzon-community-quarantine.pdf).

Ang target ng order na ito ay LUZON area lamang kasama ang NCR, at ang effectivity date nito ay simula MARCH 17 to APRIL 13.

Bibigyan lang natin ng pansin dito ay ang Number 7 kung saan makaka-epekto sa mga travelers from Japan to Philippines and vice versa.

PARA SA MGA PAPALABAS NG PINAS, NAKASAAD DITO NA:

"Outbound passengers intending to depart the Philippines from any of the international airports in Luzon shall be allowed to travel for a period of seventy-two (72) hours from effectivity of the Enhanced Community Quarantine".

Ibig sabihin nito, sa mga aalis ng Pinas at manggagaling saan mang international airport ng Luzon, meron lamang kayong 72 hours (3 days) now, para umalis dahil allowed pa. After ng 3 days, from MARCH 20, di na po kayo allowed na makaalis dahil ipagbabawal na nila. Ito ay sa LUZON area lamang, so yong mga galing ng DAVAO at iba pang international airport outside LUZON area, allowed pa rin na mag travel palabas ng Pinas, kung walang ibang ordinance na nilalabas ang local municipality nito.

PARA SA MGA PAPASOK NG PINAS MULA SA IBANG BANSA, NAKASAAD DITO NA:

"Inbound international passgengers, in transit upon effectivity of the Enhanced Community Quarantine, shall be allowed entry, subject to applicable quarantine procedures if coming from countries with existing travel restriction imposed by the Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases.

All inbound Filipino citizenz including their foreign spouse and children, if any, holders of Permanent Resident Visa, and holders of 9(e) Diplomat Visas issued by the Philippine government shall be allowed entry, subject to applicable quarantine procedures if coming from countries with existing travel restrictions imposed by the IATF".

Nakasaad dito na during this "Enhanced Community Quarantine", makakapasok pa rin tayong mga Pinoy traveler sa international airport sa Luzon kung dito ang lapag ng flights natin dahil open pa rin ang mga international airport sa Luzon area. Since walang nilalabas na travel restrictions ang IATF for travelers from Japan, wala ring quarantine na isasagawa sa atin paglapag ng airport. Maaaring confirm nyo lamang kung meron quarantine ordinance na pinapa-implement ang local municipality ninyo sa Pinas, at ito ay dapat nyong sundin.

Since open ang mga airport sa mga uuwi sa Pinas galing ng ibang bansa, dapat din nila sigurong palabasin ang mga ito para makauwi sa kanilang mga lugar o probinsya. Nakasaad din sa Number 6, na "Mass public transpot facilities shall be suspended", so it means na yong mga private car or vehicle na susundo sa inyo sa airport ay allowed to travel pa rin basta meron lang kayong maipakitang proof sa checkpoint. So check nyo rin kung ano ang magiging restrictions ng pagtravel sa inyong mga local municipality sa Pinas.

So, unless na hindi CANCEL ang mga flights ninyo pauwi ng Pinas, maaari pa rin kayong makauwi during this implementation of "Enhanced Community Quarantine" in LUZON area.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.