malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Prime Minister, formally announced about new financial assistance

Oct. 27, 2023 (Fri), 922 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Ayon sa news na ito, formal ng naglabas ng pahayag kahapon October 26, ang Japan Prime Minister tungkol sa gagawin nilang panibagong financial assistance para sa mga mamamayan dito sa Japan dahil sa patuloy na inflation sa ngayon.

Una ay para sa mga tax payer, ang maaaring ibawas nila sa income tax at residence tax ay aabot sa 4 na lapad bawat tao. Kasama din daw ito ang mga dependents. So, meaning kung ikaw ay meron dependent na asawa at dalawang anak, aabot sa 16 lapad ang ibabawas sa babayaran mong taxes. Plano nilang isagawa ito by June 2024.

Nais nilang gawin ito dahil din sa laki ng na-collect nilang tax money nitong nagdaang 2 years kahit na during pandemic period. Dito nila kukunin ang pinaka pondo nito.

Then para naman sa mga non-taxpayer, meaning mga low income na hindi or exempted na magbayad ng income at residence tax dahil sa liit ng annual salary nila, ang mga ito ay bibigyan lamang ng 7 lapad dahil kabibigay lang sa kanila ng 3 lapad noong nagdaang spring season.

Then sa mga low income family na maaaring nagbabayad lang ng income tax, dahil din sa liit ng kanilang income, sila ay bibigyan daw ng 10 lapad na cash at maaaring maisagawa nila ito within this year.

Sa mga kababayan natin dito sa Japan, wala pa pong nilalabas na pinaka details ng pag-apply o kung paano ito matatanggap at pati na din ang exact period ng pagbigay. Maghintay na lamang po tayo sa mga ilalabas nilang announcement tungkol dito na maaaring magmula sa mga government office or sa inyong local municipality.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.