malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Employer ng 2 Pinay trainee, niri-reklamo din ng iba pang trainee

Jul. 22, 2023 (Sat), 461 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Kagoshima Makurazaki City. Update po tungkol sa case na pinaglalaban ng dalawa nating kababayang Pinay trainee laban sa employer at may hawak sa kanilang kanri dantai (organization) na sa ngayon ay patuloy pa din at di pa din nagkakasundo ang dalawang panig.

Ayon sa NHK news na ito kung saan ay nagawang ma-interview sila at iba pang trainee, meron din daw iba pang trainee na nagri-reklamo sa ginagawang paghihigpit ng kanri dantai nila. Pinagbabawalan daw silang lumabas ng city as possible at wag makipag-kita sa ibang kababayan mismo nila.

Ayon sa ibang trainee, kapag nahuli daw silang nag-violate sa rules na ito, pinapatayo sila ng matagal sa loob ng office, at ilang beses na pinagawa ito sa kanila. Kung di daw sila nagsisisi sa ginagawa nila, pinapatayo sila ng mahigit 3 oras, at sinasabihan na umuwi na lang ng Pinas.

Meron namang ibang trainee na nagsasabi na di sila maka-connect sa WiFi for 1 month after nilang dumating sa Makurazaki City. Pumupunta pa sila sa convini para makasagap ng signal upang maka-contact sila sa family nila back home. Then kapag nabisto ang ginawa nila, pinapagalitan at sinisigawan daw sila.

Sumagot naman ang kanri dantai sa allegation nilang ito, at ayon sa panig nila, ang paglilimita sa kanila na lumabas ng city, at makipag-halubilo sa mga kababayan nila ay ginawa nila noon dahil sa restrictions sa coronavirus, at dahil sa state of emergency na nai-deklara. Sa ngayon daw ay hindi na nila ito ginagawa dahil wala ng restrictions.

Para sa iba namang allegation tulad ng paninigaw ng staff nila, pagsabi na umuwi na lang ng Pinas, at pagpapatayo ng matagal, ay wala daw itong katotohanan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.