malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Pinay, huli sa illegal na pag-inject ng walang license

May. 07, 2024 (Tue), 378 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Ayon sa news na ito, hinuli ng Hamamatsu police today May 7, ang isang kababayan nating Pinay, age 44 years old, aesthetician, matapos mapatunayang wala itong sapat na doctor license para mag-turok ng mga chemicals.

Lumabas sa investigation ng mga pulis na simula noong July 2021, nagsagawa sya ng pag-inject ng mga chemicals sa ilang naging customer nya na mostly ay mga kababayan din natin.

Ito ay pinapupunta nya sa kanyang bahay na parang pinaka-opisina nya, at gumagawa din sya ng home service kung saan pinupuntahan nya mismo sa bahay ang gustong magpaturok sa kanya.

Ang charge nya sa isang beses na injection ay 10,000 to 15,000 Yen. Meron syang naging customer ang naka experience ng pamamaga sa braso matapos na magpa-inject sa kanya. Sya ay nagpo-post sa Facebook ng kanyang service upang makakuha daw ng customer.

Nakumpiska din ng mga pulis ang ilang ginagamit nito sa kanyang service pati na din ang ilang chemicals like glutathione. Meron daw nag-report sa mga pulis tungkol sa ginagawa nya ng walang legal license, at ito ay kanilang inimbistigahan na nauwi sa pagkahuli sa kanya.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.