Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
UPDATE: Coronavirus present status and its impact in Japan Apr. 20, 2020 (Mon), 1,623 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Para sa karagdagang kaalaman ng mga kababayan natin dito sa Japan, kung ano-ano ang mga nangyari last week (April 13 to April 19) related sa coronavirus crisis, mga bagong batas at guidelines na inilabas ng Japan government, this is the summary.
(1) STATISTICS: First, para sa statistics ng mga infected sa coronavirus here in Japan, umabot na ito sa 11,151 katao as of April 20 (9PM) ito. Umabot na rin sa 272 katao ang naitalang namatay at 1,884 katao naman ang gumaling (As of April 20). Overall, patuloy na tumataas ang bilang nito at inaasahang dadami pa ngayong linggo. Inaasahang bababa lamang ito 2 weeks after na madeklara ang State of Emergency dito sa Japan.
(2) SCHOOL CLOSURE: Ang mga school particularly sa mga sakop ng State of Emergency ay nagdeclare din ng closure at inaasahang magbubukas muli after Golden Week, subalit maaaring ma-extend na naman ito depende sa magiging status ng coronavirus.
(3) FINANCIAL ASSISTANCE: Ang plano ng government na 30 LAPAD cash distribution ay nabago at napalitan ng 10 LAPAD na para sa lahat at walang limit sa individual income. Plano nilang maibigay ang amount na ito sa lalong madaling panahon ayon sa mga news. Marami rin sa ngayong naglalabasan na mga news tungkol sa financial assistance na mula sa mga local municipality.
(4) MASK SUPPLY: Nananatiling kulang pa rin sa mask supply sa ngayon here in Japan. Inumpisahan na rin ng Japan government ang pamimigay ng dalawang pirasong mask at inuna nila ang mga lugar na maraming infected sa coronavirus.
(5) IMMIGRATION TRAVEL BAN/QUARANTINE: Ang bagong advisory na nilabas ng immigration ay tungkol sa mga trainee visa holder kung saan pinapayagan nilang mag-trabaho ang mga ito sa ibang industry. Allowed silang makapag apply ng DESIGNATED VISA simula April 20, kung meron silang makitang bagong employer. Isa pa sa mga nilabas nilang advisory ay para naman sa mga foreigner under KARI-HOUMEN kung saan ina-allowed nila ang hindi pag report ng mga ito sa immigration office monhtly dahil sa coronavirus. Nanatili pa rin ang TRAVEL BAN dito sa Japan para sa mga travelers mula sa Pinas at di pa rin nila nilalabas ang exact date kung kelan ito matatapos.
(6) PUBLIC PLACE/FACILITIES CLOSURE: Ang mga major toursit spot, and theme park ay nananatiling sarado sa ngayon at ang iba ay planong mag-open matapos ang State of Emergency kung sakaling bumalik na sa normal ang lahat.
(7) STATE OF EMERGENCY/LOCKDOWN: Binago ng Prime MInister ng Japan ang sakop ng declaration ng State of Emergency at ginawa nya itong nationwide, subalit ang due date nito ay nanatiling until MAY 6 lamang. Binago nila ito dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng infected sa nasabing virus mula sa ibat-ibang lugar at bilang paghahanda rin sa Golden Week long vacation.
(8) CORONAVIRUS MEDICATION: As of now, wala pa ring natutuklasang mabisang gamot at vaccine ang Japan government laban sa coronavirus. Ang clinical test naman sa AVIGAN ay on-going pa rin sa ngayon.
(9) IMPACT TO FILIPINO COMMUNITY: Base sa mga natanggap naming mga inquiry dito sa Malago, parami na ng parami sa mga kababayan natin here in Japan ang kinakapos financially, at inaasahan din nila ang madaliang pagbigay ng financial assistance mula sa Japan government. Marami na rin ang nawawalan ng work dahil sa tinatanggal sila sa ngayon.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|