malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Anong susunod na dapat gawin para sa 10 LAPAD distribution?

Apr. 23, 2020 (Thu), 711 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Last April 20, inilabas na ng Japan cabinet members ang nararapat na budget para sa financial assistance na ito, then kasabay nito ay inilabas naman ng Japan Ministry of Internal Affairs & Communication (MIC) ang guidelines tungkol dito.

Without the budget approval, hindi rin maibibigay ang pera sa mga eligible na mamamayan, so ang susunod na hihintayin natin dito ay ang approval ng supplementary budget ng Japan Congress. Ayon sa mga news, plano ng mga kinauukulan na ipasa ito sa Japan Congress sa April 27 (Monday) at inaasahang maaaprobahan daw ito ng April 30 or May 1.

Kung maaprobahan ito, meaaning naka ready na ang pera na maaaring maipamigay sa mga mamamayan, saka lamang gagalaw ang mga local municipality, upang maipamahagi ang pera sa kanilang mga nasasakupan.

Gamit ang mga address ng bawat householder na naka-register sa kanilang system, magpapadala sila ng NOTICE dito kung saan kasama ang application form, list ng mga documents na dapat ipasa, at procedure ng pag-apply by post office at maging sa online application.

So kung nakaka-siguro kayo na naka-register kayo sa city hall na tinitirahan ninyo now, wala kayong dapat gawin kundi sit back, relax, at hintayin ang pagdating ng NOTICE sa inyo.

Ang pag-start ng acceptance ng application ay inaasahang hindi magiging sabay-sabay, dahil magiging depende ito sa decision ng bawat local municipalityy. Pero inaasahan na by MIDDLE OF MAY ay karamihan sa mga local municipality ay nag-uumpisa na ng processing. Maaaring pati ang kanilang magiging procedure at requirements din ay magkakaiba daw.

Kaya ang dapat nyo lang gawin sa ngayon ay maghintay sa pagdating ng NOTICE na ipapadala sa inyo, dahil nandon lahat ang detalye ng magiging application na dapat ninyong gawin. Then kung meron man kayong katanungan, maaaring tumawag o pumunta na lang din sa inyong local municipality personally.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.