Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
From EPA trainee to Facility Vice-Director & Osaka Health Worker Association Director May. 16, 2022 (Mon), 533 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
From EPA trainee to Facility Vice-Director & Osaka Health Worker Association Director, paano nagtagumpay ang isang kababayan nating Pinay
Sa mga kababayan natin here in Japan, gusto kong ipakilala sa inyo ang isa nating kababayan na naging matagumpay dito sa Japan, na sana ay maging inspiration nyo din.
Meet マリシェル・オルカ (Sorry I don't now the exact spelling of the name dahil wala nakasulat sa news article), na isang dating EPA worker subalit sya ngayon ay isa nang Vice Director ng isang Home for the Aged Facility sa Osaka, at isa rin sya na napiling maging Director ng Osaka Health Worker Association.
Paano sya naging matagumpay at nakamit ang ganitong position sa trabaho sa loob lamang ng 13 years kahit na isang gaikokujin dito sa Japan? (This is her short story mula sa mga news article that I only translated)
Ang kababayan natin ay nakatapos sa kanyang course sa college bilang Physical Therapist kahit na maaga syang naulila sa kanyang ama na pumanaw na. By year 2003, nagsimula syang mag-work sa isang resort mansion operated by Japanese for retiree. Huminto sya sa work at pumanta ng Japan upang mag-aral ng Japanese language noong year 2006. Sa loob ng 2 years, nag-aral sya ng Nihongo sa Nagoya, at nakapag-arubaito din.
After graduating, umuwi sya at nakabalik sa Japan by applying in JPEPA (Japan Philippine Economic Partnership Agreement) at nag-trabaho sa EKIDA SATSUKIKAI (https://satsuki-kai.com/). Kasama sya sa first batch ng mga kababayan nating nakapasok dito under JPEPA. Lalo syang naging magaling sa Nihongo at nasanay sa trabaho.
Then by year 2012, nag-take sya ng national licensure examination for 介護福祉士 (KAIGO FUKUSHISHI) Care Worker at matagumpay nyang naipasa ito. Ayon sa kanya, "upang makapasa ka sa examination, maintaining your motivation and willingness na pumasa ang pinaka important".
Para maitaas ang kaalaman bilang care worker sa pagpapatuloy ng trabaho dito sa Japan, naisipan nyang very important ang maging member ng mga groups or association ng mga specialist kung kayat noong year 2013, nag apply sya ng membership sa 大阪介護福祉士会 (Osaka Kaigo Fukushishikai) Osaka Health Worker Association. Dito sya simulang maka-meet ng ibat ibang tao na nasa mataas ang katungkulan at maka-attend ng ibat ibang seminar and training related sa work nya, habang patuloy na pumapasok sa kanyang trabaho bilang care worker.
Then last year 2021, nilapitan sya ng kanyang boss kung pwede syang maging Vice-Director ng bagong facility na bubuksan nila kung saan hahawakan nya ang mahigit 70 katao na staff kasama ang mga Japanese at foreigner workers na katulad nya. Nang marining nya ito, "NANI ITTE IRU NO? (Ano sinasabi po ninyo?" lang ang nasabi nya sa gulat, dahil hindi sya makapaniwala.
Last APRIL 2021, nagbukas ang bagong POPLAR Kamishinjo Home for the Aged (Intensive Care) na located sa Osaka-fu Osaka-shi Higashi Sadogawa-ku Kamishinjo (https://poplar-group.jp/yougo/tokuyokamisinjyo) at sya ang na-appoint na FACILITY VICE-DIRECTOR nito.
Then on June on the same year, napili din syang maging DIRECTOR ng 大阪介護福祉士会 (Osaka Kaigo Fukushishikai) Osaka Health Worker Association, kung saan sya lamang din ang foreigner na Director (here is the list: http://kaigo-osaka.jp/yakuinn-shoukai/ ) nito.
Sa ngayon, habang ginagawa nya ang kanyang trabaho bilang vice-director ng facility, kung saan napakalaki na ng kanyang responsibility, madalas din syang nagiging speaker sa mga seminar and symposium. So, maaaring ang ilang kababayan natin dito ay nakita na sya personally. Isa na din syang Permanent Visa holder after working here now in Japan for more than 10 years.
I hope na maging model and inspiration nyo sya kung nais nyong makamit ang naging tagumpay nya dito sa Japan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|