malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Guidelines para sa 10 LAPAD financial assistance, inilabas na ng MIC

Apr. 21, 2020 (Tue), 1,318 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Inilabas na ng Japan Ministry of Internal Affairs & Communication (MIC) kahapon April 20, ang guidelines summary ng gagawin nilang 10 lapad na financial assistance distribution kasabay ng pag-approved ng Japan cabinet members sa supplementary budget kung saan napapaloob ang budget na gagamitin dito.

Ang formal tentative name in NIHONGO sa financial assistance na ito ay 特別定額給付金 (TOKUBETSU TEIGAKU KYUUFUKIN). Sa mga kababayan natin, try to remember this word lalo na kung mag inquire kayo sa inyong local municipality about it para malaman nila kung tungkol saan ang tinatanong ninyo.

Ang contents ng guidelines na kanilang inilabas ay ang mga sumusunod (PAKIBASA PO NG BUO AT INTINDIHIN NG MABUTI BAGO MAGTANONG):

(1) Saan mag-appply o sino ang mamamahala sa pag-distribute ng financial assistance na ito?
Answer: Ang mamamahala sa pagbibigay ng financial assistance na ito ay ang local municipality kung saan kayo nakatira dito sa Japan. Maaring ang inyong city hall, ward, town or village office sa inyong lugar.

(2) Sino-sino ang meron karapatan na makakatanggap ng financial assistance na ito?
Answer: Ang maaaring makatanggap nito ay ang mga naka-register sa city hall or meron Juminhyou (Residence Certificate) bago dumating ang APRIL 27, 2020.

So, it means na sa ating mga foreigner, ang mga LONG TERM VISA holder (trainee, student, designated visa, working visa, atbp.), at naka register sa city hall, ay meron RIGHTS na makatanggap nito. Ang mga tourist naman at family visit visa lamang, na SHORT TERM VISA holder, at hindi naka register sa city hall dahil walang mga Residence Card, ay walang RIGHTS na makatanggap nito.

(3) Magkano ang ibibigay na amount sa financial assistance na ito?
Answer: Ang amoungt na ibibigay ay 100,000 YEN per head o para sa bawat isang tao. So kung family kayo, na meron tatlong anak, nanay at tatay, bale 50 LAPAD ang total na matatanggap ninyo. Kung meron kayong pitong anak, isama ang tatay at nanay, bale ang total na matatanggap nyo ay 90 LAPAD. Walang magiging limit sa kung ilang tao kayo sa isang family dahil RIGHTS na tumanggap ng bawat isang tao.

Ang amount na ibibigay na ito ay hindi utang, at non-taxable din daw ayon sa mga lumalabas na news.

(4) Paano mag-apply nito at paano maibibigay ang pera?
Answer: Meron dalawang method ng pag-apply nito. Pwede ang online application, at ang Post Office service application method. Kung meron unavoidable reason kayo, maaari din daw nilang maibigay sa inyo ang pera by the window sa city hall kung mag-apply kayo.

Kung Post Office application ang gagawin ninyo, meron ipapadalang application form ang inyong local municipality na naka address sa pangalan ng householder mismo ng family katulad ng picture image sa baba. Need nyong sulatan ito, ilagay ang inyong bank account at ilang identification document, it ipadala pabalik sa local municipality.

Sa online application naman, pwede lang daw gawin ito ng mga meron hawak na My Number Card. Pwede nyong gawin ang application nito mula sa MyNumber Portal. Need nyo rin isulat ang inyong bank account info at upload ang ilang documents for confirmation.

Ang details ng application ay isasama ng local municipality sa ipapadala sa inyong documents. So sundin nyo lamang ang procedure na kanilang ipapadala para magawa ninyo ang application.

(5) Kelan ang start ng application nito?
Answer: Walang inilabas na exact date ang MIC, at ayon sa kanila, ang pag-umpisa ng application ay depende sa magiging decision ng inyong mga local municipality. Sa mga lumalabas namang news, maaaring middle of MAY ang start nito.

(6) Meron bang deadline sa pag-apply nito?
Answer: Ang application nito ay dapat gawin within 3 MONTHS only.

Sa mga kababayan natin na wala ngayon dito sa Japan at nagtatanong tungkol dito, tulad ng nakalagay sa application requirements, kung naka register kayo here in Japan at meron kayong Residence Certificate, kasama kayo na mabibigyan. Subalit kailangan nyo lang din na ma-apply agad ito WITHIN 3 months dahil meron deadline ng application po. Maaaring dapat na bumalik kayo agad dito, or online application ang gawin ninyo kung meron kayong My Number Card.

Source: Japan Ministry of Internal Affairs & Communication (MIC)



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.