malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Pagbibenta ng okashi, new modus after ng panghihingi ng donation?

Oct. 07, 2020 (Wed), 1,006 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Sa mga kababayan natin here in Japan, naaalala nyo pa ba yong mga kumalat na news tungkol sa mga kababayan natin na nanghihingi ng donation at madalas na makikita mo sila sa mga train station?

Well, mukhang bumalik muli sila at meron na naman silang bagong modus sa ngayon, at ito ay ang pagbibenta ng mga okashi sa mga train station pa rin dito sa Japan.

Ayon sa news na ito, dumarami ang mga Japanese na nabibentahan nila at nagiging trending ito sa SNS community dito sa Japan sa ngayon.

Sa Tokyo area, kadalasang naglalabasan sila sa mga train station ng Chuuou Line sa ngayon. Meron nakakita na rin sa kanila sa Kanagawa, Chiba, Fukuoka, Osaka at Aichi.

Nagawang makita ng reporter ang isang nagbibenta nito at pinilit na makausap subalit mabilis itong nagligpit at tinakbuhan sila.

Nakabili sila ng binibenta nitong okashi na dalawang supot na ang presyo ay 500 YEN bawat isa. Wala itong label at information ng mga ingredients ng nasabing okashi. Nang binuksan nila ito, ito ay isang okashi na sikat daw sa Pinas, at ito ay Munchkin daw.

Dahil sa pare-pareho ang linya at strategy na ginagamit ng mga nagtitinda ng okashi na ito, malaki daw ang possibility na meron organization na humahawak sa kanila, at ito ay iniimbistigahan sa ngayon.

Paalala lamang po, ang pagtitinda ng anomang pagkain sa kalsda ng walang kaukulang permit ay illegal dito sa Japan. Meron itong nakatakdang batas tungkol dito at pwede kayo makulong ng less than 3 years or mag multa ng 300 lapad.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.