malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Hwag pipindutin ang Emergency Button, kung hindi life & death matter

Jul. 08, 2022 (Fri), 551 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Sa mga kababayan natin dito sa Japan, in case na mangyari ito sa inyo, hwag ninyo basta-basta pipindutin ang Emergency Button na nakikita nyo sa mga train platform kung di life and death matter cases.

Kumalat ang isang video, nag-trend at naging mainit na usapin sa mga SNS dito sa Japan kung saan makikita na galit na galit ang isang train staff sa isang pasahero. Meron mga di sang-ayon sa attitude ng staff at meron namang nagsasabi na kasalanan daw ng pasahero.

Nangyari ang incident na ito noong Monday, July 5 sa JR Yamanote Line Shibuya Station bandang 8PM ng gabi. Nahulog ng pasahero ang wallet nya na naglalaman daw ng 4 na lapad at sinisilip nya ito. Nakita sya ng staff kung kayat sinabihan na lumayo sa platform dahil may paparating na train at abunai daw.

Sinabi ng pasahero na nahulog ang wallet nya at pinakiusapan syang kunin ito. Subalit di ito ginawa ng staff dahil abunai nga at habang pinapaliwanag ng staff ang safety precaution kung kelan pwede makuha ang nahulog na wallet, biglang pinindot ng pasahero ang Emergency Button. Dahil dito, huminto ang mga train ng ilang minuto.

Dito na nagalit at nag-iba ang attitude ng staff sa pasahero na kinunan nya ng video na nai-post nya at kumalat sa SNS community. Maraming nagsasabi na kasalanan din ng pasahero dahil sa ginawa nyang pag-pindot sa button at di nya inisip kung gaano kalaki ang magagawa nyang abala.

Dahil sa incident na ito, huminto ang operation ng JR Yamanote Line ng mahigit 2 minutes. Kung tumagal ang paghinto ng train, maaari daw makasuhan ang pasahero ng 営業妨害 (EIGYOU BOUGAI) or Obstruction of Business charge dahil sa ginawa nyang pagpindot sa Emergency Button ng dahil lang sa nahulog nyang personal belongings.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.