malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


48 na pasyente sa loob ng hospital, tinatayang namatay by poisoning

Oct. 04, 2016 (Tue), 5,026 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Kanagawa Yokohama City. Ayon sa news na ito, isang incident ang nangyari sa loob ng isang hospital sa Yokohama kung saan tinatayang ang 48 na matatandang patay na ay naging biktima at namatay by poisining na kagagawan ng hindi pa rin nakikilalang salarin.

Nangyari ito sa loob ng Oguchi Hospital located in Kanagawa-ku Yokohama City. Ayon sa news, meron isang namatay na matandang pasyente, age 88 years old, noong September 20 ganap ng 4:55AM sa 4th floor ng hospital. Napansin ng nurse na meron air bubble sa loob ng dextrose nito kung kayat ni-report nila ito sa pulis at inimbistigahan. Lumabas sa investigation ng mga pulis na meron halong chemical na lason sa loob nito na syang ikinamatay ng pasyente. Nakita rin nila na meron tusok ng karayom ang dextrose at dito maaaring ipinasok ang chemical na lason na syang nakapatay sa pasyente.

Noong September 18, meron ding isang matandang namatay sa loob ng hospital, at nang kanila itong inimbistigahan at isagawa ang autopsy, lumabas sa result na nalason din ito katulad ng namatay na matandang una nilang siniyasat.

Sa pagsisiyasat ng mga pulis, lumabas sa record na meron pang namatay na 46 pasyente sa loob ng hospital na ito simula July 1 hanggang sa mabisto ang incident at ito ay nangyari lahat sa 4th floor ng hospital. Sa loob lamang nang tatlong buwan, kasama ang dalawa pang biktima, maaaring ang 48 katao na ito ay namatay lahat sa lason. At simula ng mabisto ang incident noong September 20, wala nang nai-report na namatay sa mga pasyente sa 4th floor.

Dahil sa dami ng namatay simula July 1, na-alerto rin ang mga official ng hospital ayon sa news na ito, subalit hindi nila ito binigyan ng pansin masyado dahil ang mga pasyente ay matatanda na at ang iba ay malalaka na ang sakit. Nag conduct lamang sila ng investigation kung meron nakakahawang sakit na kumakalat subalit wala silang nakita at nireport lang nila ito na sakit ang ikinamatay ng bawat pasyente at ang mga bangkay nito ay na-crimate na.

Sa patuloy na investigaton na isinasagawa, meron natagpuan din ang mga hospital staff na sampong un-used dextrose bag na meron mga tusok na ng karayom at meron nang halong poison chemicals sa loob nito. Dahil dito, malaki ang possibility na ang salarin ay expert sa medicine at sinisiyasat ng mga pulis now ang bawat personnel sa hospital subalit wala pa silang nakikitang prime suspect ayon sa news na ito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.