Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Basic information tungkol sa Year End Jumbo Lottery dito sa Japan Nov. 27, 2020 (Fri), 1,599 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Last November 24, nagsimula na ang bentahan ng Year End Jumbo Lottery (Nenmatsu Jumbo Takarakuji) dito sa Japan. Mukhang maraming interested na mga kababayan natin dahil sa marami din kaming natanggap na inquiry tungkol dito.
So para sa mga nagtatanong at di pa alam ng iba, ito po ang mahahalagang bagay na dapat nyong malaman tungkol dito.
(1) Where to buy?
Mabibili ninyo ito sa mga lottery booth kahit saan dito sa Japan. At madalas nyo makita ito sa mga train station at sa loob ng mga mall. Basta maraming flow ng tao, kadalasan meron silang booth.
(2) How much is the lottery?
Ang isang bundle na naglalaman ng 10 piraso ay 3,000 YEN ang halaga. Kahit magkano ang gusto nyo bilhin ok lang. Walang limit. Yong ibang Japanese na meron pera ay daan-daang lapad ang binibili nila para malaki din ang chance na tumama.
(3) How to buy?
Kung bibili kayo nito, sabihin nyo lang na NENMATSU TAKARAKUJI. Then kadalasang itatanong sa inyo ay kung anong number ang gusto nyo. Kung gusto nyo ba ng number na magkakasunod o magkakahiwalay. Kung gusto nyo na magkakasunod, sabihin nyo ay RENBAN. It means na yong dulo ng number ng lottery ticket nyo ay magkakasunod. Then kung gusto nyo naman na magkakahiwalay, BARA-BARA ang sabihin nyo.
(4) Magkano ang pwedeng tamaan?
Ang first prize winner ay tatanggap ng 700 MILLION YEN, then kung matamaan din nyo ang kasunod na number at sinundan nitong number, aabot ito ng 1 BILLION YEN. Halimbawa, yong tumamang ticket number ay meron number sa dulo na 5, kung nasa inyo din ang 4 at 6 na dulo ng ticket, meron itong amount na 150 MILLION YEN each, kaya aabot sa total na 1 BILLION YEN ang pwede nyo tamaan. So better na RENBAN ang bilhin ninyo.
(5) Paano ipa-check kung tumama kayo?
Ang pinaka mainam na paraan ay bumalik kayo don sa booth kung saan kayo nakabili din ng lottery ninyo para ipa-check. Meron silang machine don na ginagamit para ma check po agad kung tumama kayo. Kung di kayo tumama, kadalasan meron ibabalik sa inyo na 300 YEN kung 1 bundle ang binili ninyo. That is like a consolation prize. Pwede nyo mapa check ito after new year.
(6) Magkano ang tax na babayaran kung tumama?
Kung kayo ay tumama sa lottery na ito, wala kayong babayarang anomang tax kaya buong-buo nyo makukuha ang pera. Wang residence tax or income tax kayong babayaran sa government.
(7) Overstayer can also buy and win?
Kahit na isa kayong overstayer, pwede kayo bumili at ma claim nyo ang prize kung tumama po kayo. Before, meron nabalita dito sa Japan na meron overstayer na Thaijin ang tumama ng first prize sa LOTTO 6. Dahil sa overstayer at takot nya na baka sya mahuli pagkinuha nya ang pera, ibinigay nya ang ticket nya at pinakuha sa ibang tao na niloko naman sya. Now, nasa court ang kaso nya para habulin yong pera na kinuha sa kanya ng kaibigan nyang nanloko sa kanya. Kaya kung kayo ay overstayer, at tumama sa lottery dito sa Japan, wag matatakot at wag ibibigay sa ibang tao ang inyong tinamaang ticket.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|