Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Pinoy, huli sa pagnanakaw sa Pachinko prize exchange shop Oct. 01, 2019 (Tue), 932 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Yokohama Kounan-Ku. Ayon sa news na ito, hinuli ng mga pulis kahapon September 30 ang isa nating kababayang Pinoy, age 21 years old, working as a painter, matapos na mapatunayan na kasabwat sya sa pagnanakaw ng 1,200 lapad sa isang pachinko prize exchange shop sa lugar na nabanggit.
Kasamang hinuli rin ng mga pulis ang apat pang mga kabataan age 16 to 19 years old na mga Japanese na kasamahan nya sa pagnanakaw. Ang tatlo sa kanila ay inaamin ang charge, ang isa ay nananahimik at ang kababayan naman natin ay deny sa allegation laban sa kanya ayon sa news.
Nangyari ang incident noong nakaraang April 10 ganap ng 10:55AM. Ang mga ito ay magkasabwat na isinagawa ang kanilang pagnanakaw sa nasabing shop. Tatlo sa kanila ay pinasok ang shop at sinaktan ang matandang lalaki, age 72 years old, na owner ng nasabing shop, at kinuha ang cash money sa loob na umabot sa 1,200 lapad.
Ang kababayan naman natin at isa pang lalaki ay nasa loob ng kuruma na syang nag pickup sa mga kasama nila upang mabilis na makatakas.
Gamit ang mga CCTV footage, na trace ng mga pulis ang limang kalalakihan at nahuli. This year, meron pang apat na same case ng nakawan ang nangyari sa Kanagawa prefecture at maaaring meron din silang kinalaman dito ayon sa mga pulis.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|