Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
2 Pinay trainee, nagfile ng legal charge laban sa kanilang kumiai Jun. 24, 2023 (Sat), 399 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Kagoshima Makurazaki City. Ayon sa news na ito, dalawang kababayan nating Pinay, age 32 and 26 years old ay nag-file ng legal charge laban sa kumiai na merong hawak sa kanila matapos na hindi naging maganda ang treatment nito para sa kanila.
Ang dalawang kababayan natin ay dumating dito sa Japan noong September 2022, at umalis sa kanilang working location noong April this year, at sa tulong ng laywer na sumusuporta sa kanila, formal silang nakapag-file ng legal charge sa court laban sa kumiai asking for payment sa ginawa sa kanila.
Ilan sa nilalaman ng kanilang reklamo ay ang walang enough space to sleep & no privacy, actual work nila dito na iba sa nakasulat sa working agreement nila, maagang working time, pagbubuhat ng mabibigat na load during work, at pagpapahubad sa kanila para ipakita daw ang part ng katawan nilang nananakit.
Ang kumiai na meron hawak sa kanila ay binubuo ng 21 companies sa ngayon related sa paggawa ng katsuobushi products. Meron silang 165 female trainees sa ngayon. Ang mga ito ay tumitira sa isang dormitory ng kumiai for first 1 year, then after that ay sa mga company dormitory na kung saan sila mapupunta.
Ang dormitory na ginagamit ng kumiai ay isang dating school, at dito nakatira ang 42 trainee female na galing ng Pinas at Indonesia. Hindi sapat ang space nito para sa lahat ng trainee.
Ayon naman sa kumiai na natanggap ang reklamong inihain ng lawyer ng kababayan natin, inaamin nila ang kakulangan ng space sa kanilang tulugan subalit walang naging correction ang auditor ng facility na nag-check nito every year.
Sa ibang niri-reklamo ng kababayan natin, meron mga part na hindi daw totoo kung kayat iko-consult pa nila ito sa kanilang lawyer din.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|