malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Matandang lalaki, huli sa kidnapping charge

Jun. 26, 2019 (Wed), 847 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Kanagawa Fujisawa City. Ayon sa news na ito, hinuli ng mga pulis ang isang matandang lalaki, age 64 years old, company employee, matapos nitong tangayin ang isang teenager na babae at mag demand ng ransom.

Lumabas sa investigation ng mga pulis na ang lalaking ito ay kinidnap ang teenager na babae, age 16 years old, high school student, noong June 24 ng gabi. Naglalakad ang babae pauwi ng kanya itong hinintuan at pilit na isinakay sa kanyang kuruma at tinangay.

Then nakatanggap ng tawag ang nanay ng babae at sinabi nitong tinangay sya ng di nya kilalang lalaki at maghanda raw ng 2,000 lapad na cash money.

Nag-consult ang nanay sa mga pulis at agad nilang inimbistigahan ang pangyayari. Gamit ang mga CCTV footage, natunton nila ang lalaki at babae sa isang lodging facility sa Atsugi City kahapon June 25 ganap ng 10PM.

Nahuli nila ang lalaki at ligtas naman ang babae. Inaamin naman ng lalaki ang charge laban sa kanya na kidnapping ayon sa news.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.