Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Vietnamese na nagbenta ng nakaw na butaniku, huli ng mga pulis Dec. 03, 2020 (Thu), 903 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, hinuli ng mga pulis ang dalawang Vietnamese, isang lalaki at isang babae, age 34 and 28 years old, matapos na mapatunayang nagbenta sila ng mga nakaw na butaniku sa mga kababayan nila.
Nakuha ng mga pulis ang record noong pinasok nila ang isang apartment kung saan hinuli dito ang maraming Vietnamese na nakatira. Nakita sa record nila na simula noong June until August, ang dalawang ito ay nagbenta ng mga niku sa mahigit 40 kataong kababayaran nila na nakatira sa 18 prefectures dito sa Japan. Ang bentahan nila ay nasa mahigit 1,000 Yen per kilo.
Nag-post sila ng message sa SNS upang maibenta ang mga niku sa kababayan nila. Nagawang ma-trace din ng mga pulis ang mga kababayan nilang napagbentahan nila, at ayon sa mga ito, ang niku daw na dumating sa kanila ay mabaho na at hindi fresh, kung kayat halos di rin daw nila ito makain.
Ang dalawa ay makakasuhan sa pagbibenta ng mga niku na walang kaukulang permit dito sa Japan. Sinasabi ng isa sa kanila na di na daw nya ito matandaan, subalit inaamin naman ng isa at sinasabi nitong tumulong lang daw sya.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|