malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


MyNumber Notification Card, to be abolished starting MAY 25

May. 18, 2020 (Mon), 1,069 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Naglabas ng pahayag ang MIC (Japan Ministry of Internal Affairs & Communication) na kanilang ihihinto na ang pagbigay ng MyNumber Notification Card or 通知カード (TSUUCHI KA-DO) in Japanese, simula MAY 25. Ang pag-abolished na ito ay naisabatas na noong MAY last year, at sa darating na MAY 25 this year, ang magiging implementation daw nito.

Ang Notification Card na ito ay syang pinapadala ng local municipality sa mga mamamayan para ipaalam sa kanila ang kanilang unique individual MyNumber information.

Sa pag-abolished nito, hindi na sila magbibigay or issue, and re-issue ng panibagong Notification Card, at hindi na rin sila tatanggap ng anomang application upang baguhin ang info na nakasulat dito simula MAY 25.

However, kung walang changes sa mga information na nakasulat sa inyong hawak na Notification Card, tulad ng name at address, maaaring magamit nyo pa rin ito bilang proof ng inyong MyNumber information ayon sa advisory nila.

Ang reason daw sa pag-abolished nito ay dahil sa extra work na naidudulot nito para sa mga city hall personnel every time na lilipat ng lugar ang isang mamamayan dahil need na baguhin din ang mga info nito. Isa pang important reason ay para mapalawak nila ang paggamit ng MyNumber Card mismo. Sa pagka-abolished ng Notification Card na ito, wala naman daw masyadong magiging disadvantage sa part ng mga mamamayan.

Starting September this year, uumpisahan na rin daw nila ang MyNumber Point system kung saan magbibigay sila ng point or free charge sa mga may hawak ng MyNumber Card na maaaring magamit nila. So this is the right timing daw para mag-apply na rin ng MyNumber Card kung kayo ay wala pa nito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.