Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Careworker Trainee Visa here in Japan, to start November 1 Sep. 08, 2017 (Fri), 4,746 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, mag-uumpisa na ang pagpapasok dito sa Japan ng mga trainee para sa mga careworker at ito ay mag-start sa darating na November 1, 2017. Sa ngayon wala pang tinatanggap na mga trainee ang Japan sa mga medical field, and this is the first time na ipapa-implement nila ito upang mapunan ang malaki nilang kakulanagan sa manpower.
Sa ginawang pagpupulong ng mga kinauukulan noong nakaraang September 6, na-finalize na ang mga guidelines and rules tungkol sa mga applicant na tatanggapin bilang trainee at kung ano ang magiging contents ng kanilang work pagdating here in Japan.
First, sa visa na ibibigay, 5 years ang pinakamahabang length ang maaaring maibigay sa mga makakapasok na trainee at legal silang makakapag-work dito sa Japan. For Japanese language, kinakailangan ang at least N4 LEVEL, so kung marunong ng basic Japanese language and can understand a little ay pwede ng matanggap. Then pagdating here in Japan, meron 2 months na training which is more on basic about caregiver, terminologies at kasama na rin ang Japanese language.
After the training, ang isang trainee ay pwede ng mag-work formally sa mga facilities, then after six (6) months, maaari na syang mabilang na isang formal medical worker sa facility kung saan sya na-assign. Kung magaling mag Japanese ang isang trainee, nakakabasa at nakaka-intindi na ng mga news sa TV, maaari na syang mapabilang na formal medical worker kahit na wala pang 6 months ang nakakalipas.
Sa iba pang rules, by first year, N4 level ng Japanese ang need, subalit by second year kinakailangan maging N3 na ang level nito. Ang mga facility naman here in Japan na bago pa lang at wala pang 3 year ang nakakalipas ay hindi pwedeng tumanggap ng mga trainee. Sa limang trainee na papasok sa isang facility, dapat daw na meron isang veteran na in-charge sa mga ito.
Para sa mga interested na mag-work bilang careworker trainee here in Japan, mag-ingat sa mga agency na maaaring kumuha sa inyo at mag-ingat na hindi mabiktima. Hintayin ninyo ang mga news or information na maaaring ilabas ng POEA para sa processing ng mga applicants.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|