Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Coronavirus cluster sa Philippine Pub sa Saga at Fukuoka, connected Apr. 25, 2020 (Sat), 922 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, nagsagawa ng presscon ang governor ng Saga prefecture kahapon April 24, kung saan pinaliwanag nya ang result ng investigation nila sa nangyaring cluster sa isang Philippine Pub na Dancing Queen (Upang masugpo agad ang pagkalat, ni-request ng owner na i-open ang name ng kanyang club) sa Saga City kung saan lumabas na 5 katao ang infected.
Ayon sa kanilang information, ang owner ng Dancing Queen pub na lalaki, nasa 40's ang age, ay pumunta sa MABINI (Philippine Night Club) na nasa Fukuoka-ken Kurume City noong April 14. Narinig nyang nagkaroon din ng cluster dito kung saan 10 katao ang lumabas na infected. Nag-worry sya kung kayat nagpa-test sya, at lumabas na positive nga sya at malaki ang possibility na nahawa sya sa club sa Kurume City.
Isinagawa ng mga kinauukulan ang medical check sa syam na staff ng Dancing Queen, at iba pang taong related dito na umabot lahat sa 15 katao, at lumabas na apat dito ay infected at walang lumalabas na symptoms. Ang mga infected na Pinay ay magkakasamang naninirahan sa Saga City ayon sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|