malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


UPDATE: Coronavirus present status and its impact in Japan

May. 18, 2020 (Mon), 1,768 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Para sa karagdagang kaalaman ng mga kababayan natin dito sa Japan, kung ano-ano ang mga nangyari last week (May 11 to May 17) related sa coronavirus crisis, mga bagong batas at guidelines na inilabas ng Japan government, this is the summary.

(1) STATISTICS: First, para sa statistics ng mga infected sa coronavirus here in Japan, umabot na ito sa 17,049 katao as of May 17. Umabot na rin sa 769 katao ang naitalang namatay at 12,068 katao naman ang gumaling (As of May 17). Overall, nakikitang bumababa ang bilang ng mga infected sa coronavirus dito sa Japan sa ngayon, subalit tumataas din ang bilang ng mga namamatay na nasa critical condition.

(2) SCHOOL CLOSURE: Dahil sa pag lift ng State of Emergency sa 39 prefectures, ang ilang school ay plano na ring mag-resume ng kanilang klase. Meron na ring nag-umpisa na papuntahin ang mga student sa chool subalit karamihan dito ay nakabase sa schedule na ginawa nila at hindi sabay-sabay na pinapapasok ang mga bata upang maiwasan pa rin ang possible na pagkahawa sa coronavirus.

(3) FINANCIAL ASSISTANCE: Ang application para sa 10 lapad na financial assistance ay lumalaganap na, at maraming mga local municipality ang nag-umpisa ng ipadala ang form by postal service application. Pero sa mga major city like Tokyo and Osaka ay nanatiling wala pa ring movement dahil sa tagal ng preparation na ginagawa nila. Tumatagal ito sa dami ng population na kanilang nasasakupan. Ang usapin naman tungkol sa second wave financial assistance ay patuloy na pinag-uusapan ng mga mambabatas, at maaaring magkaroon ng development by June na ayon sa mga news.

(4) MASK SUPPLY: Dumarami na sa ngayon ang maaaring mabilhan ng mga mask maliban sa mga drugstore subalit ang presyo naman ng mga ito ay nanatiling mataas. Ang resale ng mga ito ay patuloy pa rin na pinagbabawal. Meron ding lumalabas na news na maaaring ipagbawal din ng government ang pag-resale ng mga disinfectant alcohol dahil sa nagkukulang din ang supply nito. Maaaring maisabatas nila ito ngayong week.

(5) IMMIGRATION TRAVEL BAN/QUARANTINE: Ang travel ban advisory ay nanatiling in-effect pa rin sa ngayon at wala pa silang nilalabas na specific date kung kelan ito matatapos. Nanatili rin ang quarantine advisory para sa mga papasok dito sa Japan as of now. Ang Philippine Embassy Tokyo & Osaka Office naman ay nanatiling sarado pa rin sa ngayon.

(6) PUBLIC PLACE/FACILITIES CLOSURE: Ang ilang theme park and attractions ay unti-unti ng nagbubukas lalo na sa part ng 39 prefectures na tinapos ang State of Emergency. Ang mga tourist spot sa mga lugar na ito ay maaaring manumbalik na rin ang normal operation sa mga darating na araw.

(7) STATE OF EMERGENCY/LOCKDOWN: Naglabas ng pahayag ang Prime Minister ng Japan about sa pag-lift ng State of Emergency sa 39 prefectures noong MAY 14. Ang natitira namang 8 prefecture na kasama ang Tokyo at Osaka ay maaaring tapusin din daw nila by MAY 21, depende sa magiging status ng infected na lumalabas sa mga lugar na ito. Nangangamba rin sila na maaaring meron lumabas na second wave ng coronavirus infection.

(8) CORONAVIRUS MEDICATION: As of now, wala pa ring natutuklasang mabisang gamot at vaccine ang Japan government laban sa coronavirus sa ngayon. Ang clinical test ng AVIGAN ay nanatiling isinasagawa para sa mabilisang approval nito.

(9) IMPACT TO FILIPINO COMMUNITY: Patuloy na dumarami ang mga nawawalan ng trabaho na mga Pinoy dito sa Japan lalo na ang mga part time worker. Maging ang mga trainee at mga entertainer din ay nawawalan ng work sa ngayon at nangangailangan ng financial support.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.