Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Matandang babae, namatay mula sa infectious disease ng pusa Jan. 16, 2018 (Tue), 2,977 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, naglabas ng pahayag ang Japan Ministry of Health, Labour and Welfare na meron na silang naitala for the first time na isang case kung saan namatay ang isang pasyente mula sa infectious disease ng pusa at iba pang pet na tinatawag na Corynebacterium Ulcerans.
Ang namatay na pasyente ay mula sa Fukuoka Prefecture na isang matandang babae, na nasa sixties ang age. Ang matandang babae ay isinugod sa hospital noong May 2016 dahil sa kahirapan nito sa paghinga, at ito ay namatay. Siniyasat nila kung ano ang cause ng sakit nito at lumabas sa investigation na bago ito isugod sa hospital, madalas syang nakitang nagpapakain ng tatlong pusa sa labas ng kanyang bahay kung kayat ito ang kanilang naisip na pinagmulan ng bacteria na pumasok sa kanyang katawan.
Ang Corynebacterium Ulcerans ay nagmumula sa mga pet na aso at pusa at ibang hayop tulad ng baka, at nalilipat ito sa tao. Kapag nahawa ang isang tao dito, magkakaroon sya ng pananakit sa lalamunan, magkakaroon ng ubo at sipon. Then kapad pinabayaan at lumalala, maaaring ikamatay ito ng pasyente tulad ng nangyari sa case na ito.
Ayon sa Japan National Institute of Infectious Diseases, simula year 2001 until November 2017, meron na silang naitalang 25 cases na nagkaroon ng sakit mula dito at this is the first time na namatay ang isang pasyente mula sa sakit na ito. Ang sakit na ito ay hindi nakakahawa o hindi nalilipat sa ibang tao ayon sa news.
Para maiwasang mahawa sa bacteria na ito mula sa inyong mga pet, sinasabi ng mga specialist na wag masyadong maging intimate sa kanila, at iwasan ang sobrang paghawak sa mga ito. Maghugas agad ng mga kamay after na humawak sa kanila at kung sakaling iba na ang pakiramdam, magpatingin agad sa hospital.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|