malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


4 Japanese murdered in Saitama, Peru-jin hinuli ng mga pulis

Sep. 17, 2015 (Thu), 12,330 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Saitama Prefecture, Kumagaya City. Isang murder tragedy ang nangyari kahapon September 16 ganap ng 04:30PM sa isang residence area sa Saitama. Ayon sa news na ito, 4 ang napatay ng suspect sa magkakahiwalay na incident.

Unang pinatay ay isang matandang Japanese woman, 84 years old na mag-isang nakatia sa bahay nya. Nakita ito ng kamag-anak na dumalaw sa kanya at agad na tumawag ng 110 number. After makalipas ang mahigit isat kalahating oras, isang mag-ina naman ang nakitang patay sa loob ng kanilang bahay na kapitbahay lang ng matandang pinatay. Ang napatay ay ang nanay na Japanese din, 41 years old at ang anak na magkapatid na babae age 10 and 7.

Agad na nagresponde ang mga pulis after na nakatanggap sila ng tawag at nagpatrol sa paligid ng incident. Nakarinig sila ng ingay sa likod bahay ng mag-ina at ng tingnan nila ito sa likod, nakita nila ang suspect na Peru-jin na umakyat sa bintana ng second floor ng bahay na may dalang kutsilyo. Matapos nitong hiwain ang sariling braso ng ilang beses, ito ay tumalon. Nahuli sya at isinugod sa hospital subalit ito ay nawalan ng malay at nasa malubhang kalagayan din.

Ang suspect na nahuli ay isang foreigner, from Peru, male, 30 years old at nakilalang si ナカダ・ルデナ・バイロン・ジョナタン (Nakada Rodena Bailon Jonathan), di alam ang work. Ang lalaking ito ay huhulihin na rin dapat ng mga pulis after na maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya sa ginawa nyang pagpasok sa isang bahay illegally noong September 13. Dinala sya sa presinto noong hapon ng September 13. Subalit dahil sa hindi sila magka-intindihan, nag-request ng translator ang mga pulis.

Habang naghihintay ng translator, nag-request itong mag-sigarilyo subalit ito ay tumakbo habang hindi nagmamasid ang bantay nya. Ganap ng 05:00PM ng araw ding ito, nakatanggap ng tawag ang mga pulis na meron foreigner na pumapasok sa bahay nila, subalit ito ay wala na rin ng rumisponde ang mga pulis. Ito ang pahayag ng Saitama police kagabi September 16.

Malaki ang possibility na ang lalaking ito ang may gawa rin sa pagpatay sa dalawang matanda noong September 14 ng gabi sa Kumagaya City. Ang mag-asawang Japanese, 55 and 53 years old ay pinatay sa pagsaksak sa mga ito. Base sa result ng investigation ng mga pulis, ang bakas ng mga sapatos ng suspect sa incident na ito ay parehas sa nangyaring pagpatay sa 4. In total, 6 ang napatay ng suspect na ito ayon sa mga pulis. Wala pa rin linaw na nakukuha ang mga pulis kung anong motibo ng lalaki sa ginawa nyang crime.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.