Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Main suspect sa pagpatay sa 13 years old kid, umamin na Mar. 02, 2015 (Mon), 1,312 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Kawasaki City. Naging mainit ang news na ito for this past week tungkol sa pagpatay sa isang teenager, 13 years old na lalaki kung saan ang kanyang bangkay ay natagpuan sa isang tabing ilog din na hubad. Nakitang maraming saksak sa leeg ang batang ito na naging dahilan ng pagkamatay ayon sa mga pulis.
Sa pangyayaring ito, 3 prime suspect ang hinuli ng mga pulis kung saan lahat ay mga teenager din at mga barkada rin ng batang namatay. Ang pinaka-leader ay 18 years old at ang 2 pa ay parehong 17 years old.
Ang tatlong nahuling prime suspect ay parehong hindi inaamin ang kasong ito at the time na dinampot sila ng mga pulis. Subalit after ng ilang araw na investigation at pagsisiyasat ng mga pulis, umamin na ang pinaka-leader ng grupo na ito na sya raw mismo ang pumatay sa batang lalaki gamit ang cutter knife.
Ayon sa salaysay ng leader, pinahubad nya ang bata at pinalangoy sa ilog at saka nya ito pinatay gamit ang cutter knife na nakuha nya sa isa pang kasamahan nila. Inamin din nya kung ano ang motibo nya sa pagpatay sa bata.
One month ago, ang leader na ito ay binugbog ang batang pinatay nya. Dahil dito ang bata ay nagsumbong sa kanyang mga kakilala pang ibang bata at ang mga ito ay pumunta sa bahay ng leader para pahingiin ito ng sorry sa kanyang nagawa. Dahil dito, at sa ginawang pagsumbong ng bata, napikon ang leader at ito ang naging dahilan kung bakit nya napatay ito ayon sa salaysay nya sa mga police.
Sa investigation ng mga pulis, ang pinaka leader na ito ay parang meron identity problem. Mabait daw subalit pag nagalit ay walang control at talagang nagwawala. Takot ang ibang member ng grupo at gustong umalis na bilang member subalit ang mga ito ay takot sa ugali ng leader nila.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|