Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Anak ng mga overstayer na walang visa, pinaglalaban ang kanilang karapatan Oct. 29, 2015 (Thu), 4,027 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa article na ito from Asahi Shimbun, nagsagawa ng demo ang 9 na anak ng mga overstayer na walang visa sa harap ng Tokyo Immigration Office noong October 23 upang ipabatid sa mga publiko ang kanilang pinaglalaban na bigyan sila ng karapatan na magkaroon ng visa kasama ang kanilang mga magulang na overstayer. Ang mga batang ito ay mga teenager na at kasalukuyang nag-aaral at pumapasok sa mga school here in Japan na mga Pinoy at Iranjin.
Kanilang pinaglalaban na bigyan sila ng visa at pati na rin ang kanilang mga parents upang makapamuhay ng maayos dito sa Japan. Sila ay binigyan na ng order ng court at immigration na ma-deport subalit patuloy pa silang lumalaban at pansamantala silang nakakapag-stay here in Japan dahil napagkakalooban sila ng KARIHOMEN.
Ang mga kabataang ito ay dito pinanganak sa Japan, dito na rin lumaki at nakapag-aral, meron mga kaibigang Japanese at sa Nihongo lamang kaya nilang makipag-communicate. Kung papauwiin sila, sinasabi nilang hindi nila kayang mamuhay sa uuwian nilang bansa at ito ang pinaglalaban nila. Pinaglalaban din nila na hindi lamang sila ang dapat bigyan ng visa kundi pati na rin ang kanilang mga parents na overstayer.
Year 2009, meron isang case na katulad nito na sangkot ay isang Pinoy family. Nabigyan ng court ang anak ng visa at makapag-stay dito sa Japan, subalit ang kanyang nanay at tatay ay na-deport. Ito ang naging hatol ng Ministry of Justice matapos silang magsampa ng kaso kung saan pinaglalaban din nila ang kanilang karapatan na mabigyan sila ng visa.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|