malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Overstayer for 27 years, nahatulan ng 30 months na pagkakulong

Jul. 13, 2019 (Sat), 1,461 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Kumamoto Yunomae Town. Ayon sa news na ito, nahuli ng mga pulis ang isang babae, age 61 years old, from Singapore na overstayer na here in Japan for 27 years. Sya ay nahuli noong April 11 ng gabi matapos na ma-check ng mga pulis ang truck na minamaneho ng kanyang kinakasamang lalaki.

Naharang sila matapos na makitang overloading ang truck na dala nila. Kasama ang babae sa truck at wala syang maipakitang residence card kung kayat nabisto syang isang overstayer na for 27 years dito sa Japan. Sya ay kinasuhan at nagsimula ang hearing noong nakaraang June.

Ayon sa kasong inihain laban sa kanya, sya ay nakapasok ng Japan noong March 1992 with a 90 days visa lamang subalit hindi sya lumabas ng Japan at naging overstayer hanggang April 12, 2019. Sya ay palipat lipat ng lugar na tinirahan sa Chiba at Tochigi, then noong year 2005, nakilala nya ang kinakasama nyang lalaki sa ngayon na parang asawa na rin nya, then noong year 2007, sila ay tumira sa inaka ng asawa nya sa lugar na nabanggit.

Naging kilala na rin sya sa lugar na tinirahan nya dahil sa liit ng population nito at sya ang nag-alaga sa parents ng asawa nya na parehong matanda na. Dahil sa pagiging overstayer nya, hindi sila nakapag-pakasal ng kanyang kinakasamang lalaki. Nag-try na mag-soudan ang asawa nya sa mga lawyer at official ng lugar nila subalit wala silang nagawang tulong kung kayat nanatiling overstayer ang babae hanggang sa time na mahuli sya.

May mga ilang tao sa lugar nila na alam na sya ay overstayer subalit walang nagtangkang mag-report or mag-sumbong dahil mabait ito at masipag at maalaga sa asawa nya at parents nito ayon sa news.

Nagsimula ang hearing ng kasong inihain sa kanya noong June at kahapon July 12, ay lumabas ang hatol ng Kumamoto District court at sya ay nabigyan ng 2 years and 6 months na pagkakulong at deportation order.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.