Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Aichi prefecture, nagkukulang ng teacher para sa mga Pinoy kids Aug. 05, 2015 (Wed), 2,514 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa Chunichi Shimbun news na ito, nagiging malaking problem now ng Aichi prefecture ang dumaraming batang Pinoy sa nasasakupan nila lalo na sa kakulangan ng mga teachers na maaaring magturo sa mga ito. Upang matuto ng mabilis ang mga batang Pinoy, kinakailangan na ang nagtuturong teacher ay parehong nakaka-intindi ng Japanese at Tagalog ayon sa education committee ng prefecture na nabanggit.
Kabaligtaran ng pagbaba ng bilang ng mga Brazilian kids, parami naman ng parami ang bilang ng mga Pinoy kids dahil karamihan sa mga ito ay pinapupunta sa Japan ng kanilang mga parents at kamag-anakan na naging stable na ang pamumuhay sa Aichi prefecture ayon sa statistic ng immigration.
Isa pa sa malaking problem nila ay ang kakulangan ng mga materials na nakasulat or translated sa Tagalog katulad ng ginawa nila sa mga Brazilian kung kayat nahihirapan sila sa communication sa mga batang ito.
Sa Aichi Toyohashi City, may mga nagtuturo ng Japanese na mga volunteer para sa mga batang foreigner at karamihan sa mga ito ay mga Pinoy kids ayon sa head ng grupo. Kinakailangang magkaroon ng sapat na education ang mag batang ito kung sila ay mananatili at maninirahan dito sa Japan hanggang sa kanilang paglaki para sa ikagaganda ng kanilang kinabukasan ayon sa education committee ng Aichi prefecture. Ginagawa nila lahat ng kanilang makakaya subalit hindi ito agad-agad na mapupunan ang lahat ng kakulangan dagdag pa nito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|