Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Broker ng mahigit 130 Pinay talent, hinuli at kinasuhan Jul. 30, 2022 (Sat), 592 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, isang lalaki na broker, age 55 years old na taga Fukuoka Kurume City, ang hinuli at kinasuhan matapos mapatunayang illegal nitong pinapasok sa Japan ang mahigit 130 Pinay na talent, at nai-dispatch nya sa ibat ibang omise sa limang prefecture.
Sa coordination ng mga entertainer agency sa Pinas na naging kakilala nya, nakagawa sila ng mga fake document upang makapag-apply ng visa para sa mga Pinay entertainer.
Lumabas sa investigation ng Fukuoka police na ang lalaki ay nagtayo ng consulting company noong February 2018. Pumunta sya ng Pinas at nagsagawa ng interview sa mga Pinay na nakuha ng isang entertainer agency sa Pinas, then pinili nya ang mga Pinay na magaganda ang mukha at pangangatawan.
Nang makapasok ang mga babae dito sa Japan, kanya itong nai-dispatch sa ibat ibang omise sa Fukuoka, Saga, Nagasaki, Kumamoto at Oita prefecture kapalit ang monthly syoukai tesuuryou (broker fee) na 30 lapad. Naging kilala ang lalaking broker sa ginagawa nyang ito dahil sa mabilis syang makapag-pasok ng entertainer na Pinay at dumami ang customer nyang omise operators.
Sa loob ng 3 years na operation nya, kumita ang broker na lalaki ng more than 280 Million Yen. Isinagawa ang hearing sa kaso nya noong June 10, at inamin nito ang charge laban sa kanya. Agad syang nahatulan ng 6 months na pagkakulong, 50 lapad na personal penalty and another 50 lapad penalty sa kanyang company.
Simula noong year 2005, naging mahigpit ang pagbibigay ng visa para sa mga entertainer na pumapasok dito sa Japan dahil sa gumagawa sila ng work na hindi allowed sa visa nila at nagiging main cause ng prostitution. Binago ng Japan Immigration ang requirements para sa applicant nito at isa na dito ay dapat na meron maipakitang proof ng more than 2 years of experience sa field ng entertainment ang applicant.
Mula ng makapili ang broker na lalaki ng mga Pinay entertainer na papasukin nya dito sa Japan, sinabihan nya ang entertainer agency na turuan sila sa pagsayaw ng ilang beses lang at palabasin na sa document na more than 2 years na silang nagtatrabaho sa entertainment industry ayon sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|