Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Trainee visa, maaaring tanggalin na at palitan ng iba Apr. 10, 2023 (Mon), 544 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Para sa mga kababayan natin na working here in Japan under trainee visa program, this could ba a bad news para po sa inyo, but there is a bright side din po. Pakibasa na lamang ang news sa baba para sa detalye.
Ayon sa news na ito, inilabas today April 10, ng mga kinauukulan ang kanilang preliminary report tungkol sa resulta ng pag-aaral na ginagawa nila para sa present trainee visa policy ng Japan. Ang nilalaman ng kanilang report ay ang mga sumusunod.
Una, nararapat daw na ma-abolish ang present trainee visa policy dahil sa masyado ng nalalayo ang main objective ng system na ito sa actual na nangyayari sa ngayon. Ang main purpose ng system na ito ay para i-train ang mga workers from third world country then share sa kanilang bansa ang mga natutunan nilang skill dito sa Japan, subalit ito ay nagiging source ng cheap labor sa ngayon at nagiging resulta ng maraming pag-aabuso sa mga manggagawa.
Pangalawa, dapat magkaroon ng kapalit at bagong system kung saan hindi lamang training ang magiging main objective kundi source of manpower na syang kulang dito sa Japan. Then make it possible for them na lumipat ng company or employer kung gugustuhin ng mga workers.
Pangatlo, para sa mga dating trainee na nakatapos ng at least 3 years training, dapat na maging madali para sa kanila ang processing para makalipat sa SSW kung nanaisin nila at gawing mas mahaba ang stay nila dito sa Japan para makapag work.
Pang-apat, para sa mga kanri dantai (third party organization), dapat na tanggalin na din ito dahil sa hindi din nila nasisiyasat ng mabuti ang mga employer or company kung saan magtatrabaho ang mga workers. Dapat na direct hiring na lamang sa mga company na pumasa sa evaluation upang tumanggap ng trabahador..
Ang apat na nabanggit ang mga napuna ng mga kinauukulan sa pag-aaral na ginagawa nila sa ngayon tungkol sa trainee visa policy. Maaaring mailabas daw nila ang Final Report tungkol dito sa darating na autumn season pa this year.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|