malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Airline company, maaring di pasakayin ang meron bad record kahit may visa

Mar. 31, 2024 (Sun), 503 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Bad news para sa mga kababayan natin na meron bad record dahil maaaring maharang agad kayo at hindi pasakayin ng mga airline company kahit na may visa kayo papunta ng Japan.

Ayon sa news na ito, bilang part ng anti-terrorism campaign ng Japan, plano nilang i-share ang isang system sa mga airline company kung saan maaaring malaman nila upon check-in ng passenger kung may bad record ito o wala.

Ang immigration ay meron database kung saan naka register ang mga taong possible terrorist, meron crime record at nahatulan ng more than 1 year, naging overstayer at nahuli, na deport at iba pang bad record.

By just checking the passport ng passenger, makakapag bigay na agad ng remark ang Japan immigration na maaaring hindi makapasok ang passenger, at ipapaubaya nila sa airline company kung pasasakayin nila ito o hindi.
Ang ganitong policy at system ay ginagamit na sa ngayon ng Kore at America, kaya nais ding gawin ng Japan. Isa pa sa reason ay dahil, recently, marami din daw ang hindi nakakapasok ng Japan (A to A cases), subalit madalas daw na ayaw umuwi ng passenger.

Pag ganito ang nangyayari, nagiging subject sila for deportation at ang ginagastos sa pamasahe nila pauwi ng bansa nila ay tax ng mga mamamayan. Ang system na ito ay plano nilang i-test at umpisahan next year 2025.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.