Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Pinoy na hinuli, dinala na sa Public Prosecutor’s Office May. 04, 2022 (Wed), 733 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Update news lang po tungkol sa kababayan nating Pinoy, age 38 years old na hinuli noong May 2 ng mga pulis sa robbery murder charge.
Ayon sa update news na ito from NHK, dinala na today May 4 ang kababayan natin sa Public Prosecutor’s Office upang ipagpatuloy ang investigation laban sa kanya.
Napag-alaman din ng mga pulis na ang kababayan nating Pinoy at biktima ay hindi personally na nagkakilala. Meron isang tao na pareho nilang kakilala ang syang naging tulay upang sila ay magkakilanlan.
Nalaman din na ang Pinoy ay nakapasok dito sa Japan noong September 2019 holding a 15 days short term visa. Sya ay tumira sa isang bahay kasama ang isang babae at nagtrabaho sa isang machine parts manufacturing company bilang arubaito.
Matapos na mangyari ang incident ng sunog at pagpatay sa biktima, na-trace sya ng mga pulis gamit ang mga CCTV footage na isa sa mga kakilala ng matanda na kasama mismo on the day na mangyari ang incident.
Pinuntahan sya ng mga pulis noong April 8 upang tanungin, at dito nalaman na expired na pala ang visa nya kung kayat sya ay hinuli sa kasong overstaying. Then matapos na magkaroon ng matibay na evidence ang mga pulis, muli syang hinuli noong May 2 sa kasong robbery murder charge naman.
Hindi pa rin naglalabas ng official na pahayag ang mga pulis kung ang kababayan natin ay umaamin o hindi sa kasong hinaharap nya sa ngayon dahil sa under investigation pa rin ito.
Marami pang mga bagay ang hindi malinaw sa mga pulis tulad ng kung ano ang naging motibo sa pagpatay sa matanda, anong weapon ang ginamit sa pananakit sa kanya, meron ba syang kasama sa pagpatay sa matanda, at kung ang sunog ay gawa din ba mismo ng taong pumatay.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|