malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Story ng Pinay na nag-file ng kaso laban sa Japanese language school

Jul. 03, 2019 (Wed), 2,188 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


This is a follow-up news/article tungkol sa kababayan nating Pinay, age 30 years old na nag-file ng kaso sa Tokyo Court laban sa isang Japanese language school.

This is a long story na isinulat ng leader mismo ng NPO(Non-Profit Organization) na tumulong sa kababayan natin na makapag-file ng charge laban sa mga nanloko sa kanya. The original story is in the link below written in Japanese, and we will only try to translate it dahil maaaring makatulong ito sa maraming kababayan natin working now in Japan na meron same problem or issue. Maaaring malapitan nyo rin siguro ang NPO and Labor Union na tumulong sa kababayan natin.

SOURCE: https://news.yahoo.co.jp/byline/konnoharuki/20190627-00131899/

Here it goes...

Dahil sa pagka-dismiss sa kanya ng school na pinag-aaralan nya ng Japanese language, at sapilitang pagpapa-uwi sa kanya, nag-file ng kaso noong nakaraang June 26 sa Tokyo Court ang kababayan nating Pinay, age 30 years old laban sa school asking for compensation.

Ang kababayan natin ay nag start mag work sa isang caregiver facility sa Kanagawa prefecture noong April 2018. Then nitong nakaraang January 2019, bigla syang tinanggal sa work, then nabigyan ng dismissal order ng school, at sya ay sapilitang pinapauwi din ng araw na yon.

Sa pangyayaring ito, sya ay binantayan din ng araw na iyon ng school personnel na para syang nasa under house arrest. Bakit nangyayari ang ganitong mga cases? Sa pagdami pa ng mga foreigner student at foreigner workers sa mga darating na taon, pag-isipan po natin kung ano ang kanilang maaaring kahinatnan dito.

SAPILITANG PAGPAPATRABAHO NG WALANG SAHOD(VOLUNTEER)

Ang Pinay na nag-file ng kaso ay isang single mother, 30 years old at isang license nurse back in the Philippines. Meron syang naiwang anak na lalaki, 3 years old this year.

Bago sya mapunta ng Japan, sya ay nagtatrabaho bilang nurse sa loob ng medical office ng isang factory sa Pinas. Isang araw, niyaya sya ng kanyang kaibigan na subukang mag work sa Japan matapos nyang makita ang isang ads sa SNS. Para sa kinabukasan ng kanyang nag-iisang anak, nag-decide sya na pumunta ng Japan.

Ang plano ng kababayan natin in the future ay makapasok sa senmon gakkou upang makakuha ng careworker course, then maipasa ang caregiver national license examination, upang maipagpatuloy nya ang kanyang pagtatrabaho dito sa Japan, then later ay dalhin dito ang kanyang family.

After nyang makapag-aral ng Japanese language sa agency na kanyang pinasukan, nag-take sya ng interview para makapasok sa caregiver facility sa Kanagawa prefecture at sya ay pinalad na makapasa. Ito ang naging susi para sya ay makapunta ng Japan. Ang naging setup ay papasok sya bilang foreinger student sa Hotsuma International School na meron Japanese language na tinuturo, then habang sya ay nag-aaral ng Japanese language, sya ay magtatrabaho rin sa caregiver facility sa Yokohama City. Then noong April 2018, sya ay pumunta ng Japan.

Then nag-start na ang pamumuhay nya dito sa Japan. Sya ay nakatira sa dormitory provided by the caregiver facility. Sa umaga ay nag-aaral sya sa school, then sa hapon naman ay working sya sa facility.

Subalit ang hindi nya alam ay ang caregiver facility na ito ay hindi maganda ang working environment na tinatawag na "BLACK" dito sa Japan at maraming problem na hinaharap. First, kahit na hindi pa marunong mag Japanese ang foreigner worker nila, walang support na binibigay ito, at inuutusang mag-duty na mag-isa sa gabi.

Then simula 7PM hanggang 9AM of the next day, 16 hours working ang isang tao at responsible sya sa 9 na taong aalagaan. Physically, mabigat at overloaded ang careworker. Moreover, ang salary na dapat bayaran ay 16 hours, subalit 4 hours nito ay ginagawa nilang break time at 12 hours lamang ang binabayaran.

Additionally, hindi rin nila binabayaran ang total na 30 HOURS working sa loob ng buwan at ito ay tinuturing nilang volunteer work. Ito ay ginagawa nila upang mapagtakpan ang limit na 28 HOURS per week ng mga ryuugakusei (foreign student) at madalas gawin ng mga black company.

Dahil dito, ang kababayan nating Pinay ay hindi binabayaran ang kanyang 30 HOURS monthly at naging volunteer work ito. Makikita sa document na hawak ng NPO ang actual working time ng kababayan natin. Dahil sa ganitong situation, sinubukang magreklamo ng kababayan natin sa company, subalit ayon sa company "ITS JAPAN RULE" lamang ang sinagot sa kanya at walang nangyaring pagbabago.

SAPILITANG PAGPAPAUWI MATAPOS NA MAGREKLAMO SA WORKING ENVIRONMENT

Kahit na hindi matanggap ng kababayan natin ang naging sagot sa kanya ng company, wala syang magawa kundi ang magpatuloy sa pagtatrabaho dahil wala syang ibang option. Isa pa, para lang makapunta dito sa Japan, gumastos na sya ng mahigit 40 lapad, at para meron maipadala sa kanyang family back home, need nyang kumita dito sa Japan, kung hindi walang meaning ang pagpunta nya dito.

Isa pa, since nakatir sya sa dormitory ng company, kung sakaling aalis sya at maghahanap ng ibang working place, need din nyang maghanap ng bagong matitirahan. Ang paghahanap ng bagong work at tirahan ay isang mataas na hardle para sa kanya.

At sa limited na kakayahan nya sa pagsasalita ng Japanese language, impossible na magawa nya ito lahat.

Then isang araw, normal na pumasok ang kababayan natin sa school subalit sya ay tinawag ng school personnel dahil meron daw silang pag-uusapan. Dinala sya sa isang meeting room, at sa loob nito naghihintay na pala ang company syachou, head ng caregiver facility at principal ng Japanese language school. Dito sya sinabihan na mag-stop na sya sa work, then dismiss na rin sya sa school at need na rin daw nyang umuwi sa Pinas on that day.

Sinabihan din daw sya ng syachou na "DI KA NA KAILANGAN PANG PUMUNTA SA KAISYA", "WALA KA NG WORK", na parang pilit syang pinapahinto na sa work at wala syang magawa. (Nakunan ng video ang actual na pag-uusap din nila.)

Then sinabihan din sya ng school personnel na "Since nakapunta ka dito sa Japan under caregiver program, kung aalis ka na sa facility, DAPAT KANG UMUWI NA RIN SA PINAS". Nagtanong ang kababayan natin kung bakit need na umalis or ma-dismiss sya sa school at umuwi ng Pinas ng dahil sa natanggal sya sa work lang eh foreign student sya. Sinagot sya na ang facility at Japanese language school ay isang set lang. Then sinabihan sya na dapat syang umuwi sa Pinas ng araw ding yon.

Binigyan sya ng document kung saan nakasulat doon ang actual schedule nya ng araw ding yon JANUARY 23 (WEDNESDAY) at meron hawak na copy ang NPO.

Nakasulat sa schedule na binigay sa kanya ang details ng magiging action nya on that day. By 8AM, papasok ng school, then at 9AM, meeting about dismissal sa work, then by 11AM naman ay processing ng school dismissal, then preparation sa paguwi. By 17PM, arrival in Narita Airport Terminal 3, then checkin, then by 19PM Narita Airport Departure, then by 23:30PM Arrival in Manila Airport.

Nakasulat din sa document na ibabawas sa sahod ng kababayan natin ang round trip transpo papunta ng Narita Airport at pati na rin ang parking charge, at ang plane ticket nya. Ang lahat ng ito ay walang naging maayos na tugon or approval mula sa kababayan natin at sapilitang inayos at isinagawa ng company at school. Then para maitago ang kanilang ginawa, sapilitan nilang pinauwi ang kababayan natin.

ANO ANG RESPONSIBILITY NG SCHOOL AT COMPANY

Matapos na mapagsabihan ang kababayan natin na wala ng work at na-dismiss na rin sa school, at need na umuwi na sa Pinas, bumalik sya sa dormitory. Subalit meron tatlong school personnel na lalaki na nagbantay sa kanya at walang permit na tumambay sa dormitory ng mga babae. Binantayan nila ang kababayan natin ng mahigit 5 hours upang makasigurado silang hindi ito tatakas.

Then after that, ang kababayan nating Pinay ay umiiyak na sinabi sa kanila na "MAGPA-RESERVE SYA NG PLANE TICKET KINABUKASAN NG UMAGA AT UUWI NA SYA SA PINAS". Walang nagawa ang mga school personnel kundi sumuko sa pagpapauwi sa kababayan natin on that day, at sila ay umuwi na rin. Nang mapansin ng kababayan natin na wala na sila at umuwi na rin, tumakas agad ang kababayan natin sa dormitory.

Sya ay nagawi sa TAKADANOBABA, at sinubukang humingi ng tulong. Subalit dahil sa hindi pa sya magaling mag Nihongo, hindi nya ma-explain ng mabuti ang situation nya.

Subalit meron syang na-meet na isang Japanese woman na marunong at nakakaintindi ng English. Dito nya sinabi ang situation nya at sya ay tinulungan nito. Sinubukan nilang maghanap ng mga ibat ibang organization na tumutulong sa tulad ng kababayan natin subalit wala silang makita lalo na ang mga organization na tumutulong sa mga meron problem na ryuugakusei. After trying many times, natunton nila ang NPO POSSE (http://www.npoposse.jp/) na syang tumulong sa kababayan natin.

After na marinig nila ang situation ng kababayan natin, nakipag-meet ang NPO POSSE sa kababayan natin, then sila rin ang nag-provide ng bagong matitirahan nito, at tinulungan sya sa pag-hikkoshi. Since wala itong pera, nag-provde din ng ibat ibang support ang nasabing group hanggang sa manumbalik ang dating pamumuhay ng kababayan natin at makapagsalita ito tungkol sa kanyang problema.

Matapos nilang marinig ang sinapit nyang problem sa working place nya, dismissal sa school at sapilitang pagpapauwi sa kanya, binigyan sya ng support kung paano nya mailalaban ang rights ng kababayan natin.

Then meron nakilala ang kababayan natin na tatlong Pinoy na parehong ryuugakusei din, na halos tulad din nya na nag-aaral ng Japanese language and working in caregiver facility. Ang tatlong ito ay member ng isang labor union na GENERAL SUPPORT UNION (http://sougou-u.jp/) na syang nangangalaga sa kanila kung kayat sya ay sumali din dito. Dahil dito nagawa nilang makipag-negotiate sa company tungkol sa hindi pagbayad ng sahod ng kababayan natin at sapilitang pagtanggal sa kanya nito.

As a result ng kanilang negotiation, binayaran nila ang working time na hindi nila binayaran sa kababayan natin, then inamin din nila ang sapilitan nilang pagpapahinto sa work nito. Nagkaroon ng settlement ang both side after na bayaran ng company ang compensation sa ginawa nila. Subalit ang school side ay hindi inaamin ang ginawa nilang dismissal sa kababayan natin kung kayat nag file sila ng kaso noong June 26, 2019 sa Tokyo District Court laban sa school lamang.

ANG ROLE NG NPO POSSE FOREIGNER WORKERS SUPPORT CENTER

Ayon sa isang lawyer na meron experince sa labor problem ng mga foreigner dito sa Japan, ang pagpapauwi ng pilit sa mga foreiner workers ay madalas na ginagawa sa mga trainee dito sa Japan.

Para sa mga company dito sa Japan na meron mga foreigner workers, magkaroon man ng problem sila laban sa mga worker na ito, ito ay maitatago at maso-solve kung mapapauwi nila sa bansa nila ang isang foreigner worker. Ihahatid nila ito hanggang airport upang makasiguradong hindi tatakas.

Tulad ng nangyari sa case na ito ng kababayan natin, makikita na mas binigyan ng importantce ng school side ang connection at relationship nila sa company or caregiver facility. Kung kayat hindi nila binigyan ng pansin ang nagrireklamong foreigner student. Rampant din daw ang ganitong mga gawain sa mga school.

Ang ganitong case kung saan ang school mismo ang sapilitang nagpapauwi sa student ay hindi masyado lumalabas sa news. Dahil sa pag support ng POSSE sa kababayan natin, pakikpag negotiate sa company, at pagsagawa ng press conference, maipapahayag din nila sa publiko ang mga ganitong cases na nangyayari sa ngayon. Ang ganitong kaso na isinagawa ng kababayan natin laban sa school na nagpauwi sa kanya ay first case dito sa Japan.

Tulad ng ginawa na tulong ng NPO POSSE sa kababayan natin, sila ay nagbibigay ng support upang mabigyan ng solution ang rihts violation laban sa kanila tulad ng di pagbayad ng tamang sahod, hindi makatarungang pag-tanggal sa work, pagkuha ng passport, accident sa work, death due to overwork at sapilitang pagpapauwi. Meron silang tinayong FOREIGNER WORKERS SUPPORT CENTER at pwede kayong mag consult kahit sa English language.

P.S. Sa mga kababayan natin na meron problem about their work in Japan, maaari kayong lumapit sa NPO GROUP na ito at maging sa labor union na nabanggit upang mailaban at maihabol ninyo ang inyong karapatan. Sorry at walang maitutulong ang MALAGO sa inyo pagdating sa mga issue na ito dahil hanggang information sharing lang po ang aming kayang ibigay.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.