malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Pinay, nabigyan ng Letter of Appreciation ng Toyohashi City Fire Department

Nov. 30, 2017 (Thu), 8,119 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Aichi Toyohashi City Hall. Ayon sa news na ito, nabigyan ng 感謝状 (KANSYAJOU) LETTER OF APPRECIATION ang isa nating kababayan na babae na nakilalang si 前田ナネッティ, age 49 years old, company employee, dahil sa kanyang nagawang katapangan upang maagapan ng maaaga ang isang sunog na nangyari sa kanilang lugar.

Nangyari ang sunog noong November 8 ganap ng 11:25AM sa Toyohashi City Higashi Iwata 4 Choume sa isang two storey apartment na gawa sa kahoy na kanilang tinitirahan. Ang sunog ay nagmula sa isang room sa first floor.

Ang kababayan natin ay nakatira sa second floor at nagpapahinga that time dahil sa panggabi ang kanyang work subalit sya ay nagising sa tunog ng fire alarm. Nakita nya ang usok sa kanyang bintana at narinig din nya ang iyak mula sa tao sa baba. Agad syang bumangon at tumakbo pababa na walang suot sa paa, at nakita nya ang apoy na nagliliyab sa kusina pagpasok nya sa bahay na nasusunog.

Ang apoy na nagliliyab na nagmula sa isang nabe ay meron nang 1 meter ang taas at that time. Lumabas sya ng bahay at kinuha nya ang nakitang nyang fire extinguisher na nakalagay sa aisle. Ginamit nya agad ito upang mapatay nya ang apoy. Ayon sa kanya, hindi nya alam kung mapapatay nya ang apoy o patuloy pa rin itong magliliyab, basta tuloy-tuloy lang ang kanyang ginawa para mapatay nya ito gamit ang fire extinguisher.

Dahil sa mabilis at tamang action na ginawa ng kababayan natin, nasugpo at napatay agad ang apoy at hindi ito naging isang malaking fire accident. Ang babaeng isang Brazilian na nakatira sa bahay ay mabilis na nakalabas at nakaligtas naman ng walang injury. Ayon sa babae, bigla na lamang nagliyab ang conro kung saan nagluluto sya ng tempura ng kanya itong iwanan ng ilang saglit lang.

Ayon sa kababayan natin, naging isang malaking tulong ang natutunan nya sa fire drill na ginawa sa kanyang working place kung saan natutunan nya ang tamang paggamit ng SYOUKAKKI (fire extinguisher). Dahil sa incident na ito, sya ang naging model sa pagtuturo ng paggamit ng SYOUKAKKI sa mga foreigner na nakatira sa lugar nila na hindi alam gamitin ito ayon sa news.

Ayon sa head ng Toyohashi City Fire Department, ang ginawa ng ating kababayan ay isang katapangan na dapat bigyan ng parangal.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.