Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Japanese man, huli sa pag-massacre sa buong family Apr. 22, 2016 (Fri), 5,252 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Shizuoka Hamamatsu City. Ayon sa news na ito, isang Japanese man, 31 years old, panganay na anak ng family na biktima ang hinuli ng mga pulis sa charge na pagpatay sa 3 nyang kapamilya at attempted murder naman laban sa kanyang sariling ama.
Nakatanggap ng tawag ang mga pulis mula sa father ng biktima, 60 years old today April 22 ganap ng 3:10AM na sya ay sinaksak ng kanyang sariling anak. Nakita rin nya na walang malay at duguan ang tatlo pa nyang kasambahay at that time.
Na-confirm ng mga pulis ng sila ay dumating sa bahay na patay ang lola nito, 83 years old, nanay nito na 62 years old at kapatid na babae, 32 years old, company employee. Walang mga bakas na nanlaban ang mga ito kung kayat malaki ang possibility na ito ay pinagsasaksak at pinatay habang sila ay natutulog.
Ang salarin naman ay agad na tumakas at umalis ng bahay matapos nitong saksakin ang kanyang ama gamit ang kanilang sasakyan. Bumangga ang sasakyan nito sa isang poste na 4 kilometers ang layo mula sa bahay nila. Bumaba ito ng sasakyan at naglakad na lamang at ito ay nakita ng mga rumespondeng mga pulis at ito ay nahuli.
Ang tatay na nasaksak ay kakauwi pa lamang galing sa work sa isang restaurant na kanilang pagmamay-ari. Agad itong sinaksak sa tyan at likod ng kanyang anak ng ilang beses subalit nakaligtas naman sa kamatayan at nasa hospital sa ngayon.
Sinisiyasat pa rin ng mga pulis kung anong motibo ng panganay na lalaking ito sa kanyang ginawa. May mga nagsasabi na ito ay walang work at matagal na nagkukulong lang sa bahay.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|