malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


UPDATE: Coronavirus present status and its impact in Japan

Mar. 16, 2020 (Mon), 1,045 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Para sa karagdagang kaalaman ng mga kababayan natin dito sa Japan, kung ano-ano ang mga nangyari last week (March 9 to 15) related sa coronavirus, mga bagong batas at guidelines na inilabas ng Japan government, this is the summary.

(1) STATISTICS: First, para sa statistics ng mga infected sa coronavirus here in Japan, umabot na ito sa 1,535 katao as of March 16 (5PM). Umabot na sa 809 katao ang infected sa land area ng Japan, the rest ay mula sa Diamond Princess cruise ship at charter plane mula sa China. 32 katao na rin ang naitalang namatay, 616 katao naman ang gumaling na at nakalabas ng hospital as of March 15.

(2) SCHOOL CLOSURE: Ongoing now ang closure ng karamihan ng mga school dito sa Japan, at meron ding ibang nag-resume na lalo na ang mga area na hindi apektado ng nasabing virus. Merong mga nagsasagawa ng graduation ceremony subalit limited lamang ito sa mga student at walang kasamang parents.

(3) FINANCIAL ASSISTANCE: Bilang additional financial assistance sa mga mamayan dito sa Japan, naglabas din ng pahayag ang Japanese government na magbibigay sila ng support sa mga freelancer at mga self-employed workers na aabot sa mahigit 4,000 YEN per day.

(4) MASK SUPPLY: Malaking problem pa rin sa ngayon ang kakulangan ng supply ng mask dito sa Japan as of now. Isinabatas na rin nila ang pagbabawal sa pagbenta ng mga mask simula March 15, para sa mga nagsasagawa ng resale nito at meron kaukulang penalty na aabot sa 1 tao na pagkakulong or 100 lapad na multa.

(5) TRAVEL BAN/QUARANTINE: As of now, wala pa ring nilalabas na Travel Ban or Quarantine Advisory ang Japan para sa ating mga Filipino na papasok dito sa Japan mula sa Pinas. Malaya pa rin tayong makakapasok dito sa Japan kung walang magiging problem sa mga flights ninyo at meron kayong valid visa.

(6) STATE OF EMERGENCY DECLARATION: Last week, nakiisa ang opposition party ng Japan present administration at inaprobahan nila ang law na magbibigay ng power sa Japan Prime Minister na makapag-declare ng State Of Emergency kung kinakailangan, any time now na gugustuhin nya. Subalit ayon sa head ng Japan, hindi pa nararapat na magdeklara nito sa ngayon.

(7) PUBLIC PLACE/FACILITIES CLOSURE: Ang ilang major tourist spot here in Japan ay naglabas ng pahayag ng extension ng kanilang closure period tulad ng Disneyland, USJ, at ibang malalaking facilities dito sa Japan. Ang ilan sa kanila ay magsasara until end of March.

(8) FINANCIAl SUPPORT FOR FAMILY: In case na tumagal pa at dumami ang maging biktima ng coronavirus, magiging malaking problema ito ng bawat family dito sa Japan lalo na sa financial aspect, kung kayat pinag-aaralan ng mga mambabatas sa ngayon kung ano ang magiging countermeasure nila dito. Ilan sa mga panukala ay magbigay ng cash money sa bawat family at gawing zero percent ang consumer tax for a certain period lamang. Pinag-aaralan nila ito sa ngayon at inaasahang maglalabas sila ng pahayag tungkol dito pagdating ng April ayon sa mga news.

As of now, ito lamang ang nakita naming nangyari at mga pagbabago last week dito sa Japan na dapat ninyong malaman at sana ay nakatulong upang ma-inform po kayo. Kung meron kayong gustong idagdag, kindly post it in comment section.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.